Advertisers

Advertisers

“KRIMINAL” BA SILA O “PULIS?”

0 17

Advertisers

SA ika-9 na pagdinig ng ‘Quadcomm’ nitong Martes hinggil sa ‘Drug War’ noong panahon ni PDU30, lumabas ang partisipasyon ng PNP sa pagpatay kay Tanauan City mayor Tony Halili noong Hulyo 2018 at Los Banos mayor, Cesar Perez, noong Disyembre 2020.

Ang dalawang opisyal ay “minalas” na mapasama sa ‘Duterte Drug List,’ bagaman personal natin itong hindi mapaniwalaan.

Bago sila napaslang ay pareho ko pa silang nakakapanayam at naniniwala tayong wala silang kinalaman sa iligal na droga.



At katulad ng iba pang pagpatay na walang kasagutan, lumalabas sa pagdinig na mga pulis (na naman) ang pangunahing mga suspek. Mahirap talaga kasing’ma-solved’ ang ano man kaso na sabit ang mismong na-iimbestiga, hehehe, yay, huhuhu

Aber, hindi nga malayong lumabas sa ‘Quadcomm hearings’ na sabit ang mga kriminal na pulis hindi lang sa mismong pagpatay bagkus, sa sumunod na ‘coverup.’



Partikular sa kaso ni Perez, na-aawa tayo kay “Konsi” Norvin Tamisin na isinabit at kinasuhan ng PNP bilang pumatay kay Perez kahit mismo sila ay aminadong walang matibay na ebidensiya laban sa kanya.

Ganyan ang asal ng mga kriminal na pulis, mga kabayan. “Mag-aalay” ng kahit inosente sa “altar” ng ‘accomplishment,’ “ililigaw” ang imbestigasyon palayo sa kanila– habang sila rin ang “lalantak” sa ‘reward money’ at makakuha pa nga ng ‘promotion’ dahil ‘case solved’ agad!



Sa direksyon pa rin ng Quadcomm, sumesentro ang bintang dito kay P/Capt. Kenneth Paul Albotra ng Cebu PNP na hinihinalang kasama sa grupo ng mga pulis na “trumabaho” kay Halili at Perez na parehong nasawi mula sa bala ng M16.

Sa naunang testimonya ni ex-Cebu COP at PCSO GM Royina Garma, “ipinagyabang” pa raw sa kanya ni Albotra ang partisipasyon nito sa pagpatay kay Halili.

“Inosente” naman kaya si Albotra katulad ng sinasabi niya?

Sa ngayon ay “detenido” na si Albotra sa Kongreso matapos maparusahan ng ‘contempt’ bagaman naniniwala tayong masyadong “malufet” ang naging asal ng Quadcomm sa ganitong yugto pa lang ng kanilang pagdinig.

Walang katiyakan kung kailan ba talaga matatapos ang pagdinig ng Quadcomm.

Bagaman, sa bawat pagdinig, palaging lumalabas ang kabulukan ng PNP.

Wala rin tayong magagawa sa ngayon kundi ang mag-abang kaya…

Abangan!