Advertisers

Advertisers

Sara idineklara ang sarili na walang kakayahan, Senate president maaaring ipalit bilang Bise – Gadon

0 80

Advertisers

Ipinahamak lamang ang kanyang sarili at pinatunayang wala siyang kakayahan na manilbilhan bilang Bise-Presidente.

Ito ang tahasang pahayag ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon nitong Miyerkules, hinggil sa mga binitiwang salita ni Vice President Sara Duterte na di na siya makikipagtulungan kay Pangulong Bong Bong Marcos at sa Administrasyon nito.

Iminungkahi pa ng kalihim sa mga miyembro ng Kongreso na maaari nang tanggalin sa kanyang puwesto VP Sara sa pamamagitan nang pagdedeklara rito bilang can “incapacitated” o’ wala ng kakayahan gawin ang kanyang mga tungkulin at “nag-iimagine” pa itong pugutan ng ulo si PBBM.



“Noong una suhestiyon ko sa Makabayan Bloc members huwag na munang ituloy ang impeachment proceedings kay Vice President Sara, dahil wala ng oras para dito, mag-eeleksiyon na, may Christmas break pa, at malapit na mag-adjourn ang sessions ng Kongreso. Kaya ang suhestiyon ko ngayon, ideklara siyang ‘incapacitated,” ani Gadon.

Sa video ng kanyang pahayag na ibinigay sa media, sinabi ni Gadon na may dalawang paraan para tanggalin ang Bise Presidente. Bukod sa impeachment proceeding aniya, maaaring tanggalin ng mga Congressmen si Vice President Sara sa pamamagitan ng deklarasyon na ito ay “incapacitated” na, o’ wala nang kakayahang gawin ang kanyang mga tungkulin na iniaatas ng Saligang Batas o’ Constitution.

“Because the role of our Vice President according to our Constitution is to assist the President in his performance of his duties and to perform such other functions that may be assign by the President,” ipinunto pa ni Gadon.

“Paano siya makakapag-assist sa Presidente, kung siya mismo, idineklara niya, sa sarili niya, na hindi na siya makikipag-cooperate sa ating Presidente. Hindi na siya tutulong. And in fact iniisip niya, ini-imagine niya, na gusto niyang pugutan ng ulo ang ating Presidente,” paliwanag pa ni Gadon.

Ito raw, ayon kay Gadon, ay pagpapakita, na hindi na gagawin ni VP Sara ang mga tungkuling ini-aatas ng Constitution sa kanya. Iniiwas na ni VP Sara, para kay Gadon, ang sarili nito sa mga dapat niyang gampanang papel.



“She made herself incapacitated, by those statements and actions,” sabi pa ni Gadon.

Kapag nadeklara na raw si VP Sara na ‘incapaciated’ at natanggal na sa pwesto, inaatas din ng Saligang Batas, na ang maaaring pumalit dito ay ang Senate president.

Ang pagdeklarang si VP Sara ay ‘incapaciated’, ayon pa rin kay Gadon ay nakasalalay lamang sa kapangyarihan ng Kongreso.