Buong-buo suporta ni VM Yul kay 3rd District Cong. Joel Chua
Advertisers
MULING iginiit ni Manila Vice Mayor Yul Servo na buong-buo ang suporta niya kay incumbent third district Congressman Joel Chua sa pagtakbo muli bilang reelectionist.
Sa katatapos na ‘Ugnayan’ ng local ruling party ng Asenso Manileño, itinaas pa ni Servo ang kamay ni Chua bilang pagpapakita ng hayagang endorsement kay Chua bilang kanilang official candidate sa pagka – Congressman.sa ikatlong distrito.
Sa pormal na pag-edorso ni Servo Kay Chua ay inaasahan na matitigil na ang kumakalat na intriga nang minsang dumalo si Servo sa isang bingo event na sponsored ng barangay official na sumusuporta sa isang kandidato.
Sa nasabing event, sinabi ni Servo na ang kanyang presensya ay bilang pagtugon lang sa imbitasyon at upang i-promote din ang kanyang katambal na si Manila Mayor Honey Lacuna. Kinanta pa mismo ni Servo ang kanilang jingle.
Ayon pa kay Servo, si Lacuna ang kanyang idolo pagdating sa public service at hindi magbabago ang kanyang katapatan sa alkalde, kay Chua lalo na sa kanilang partido.
Sa kanyang bahagi, sinabi ni Chua na hindi niya pinagdududahan ang katapatan ni Servo sa kanilang partido kaya naman nanawagan siya sa lahat ng kritiko ng bise alkalde na itigil na ang pagkakalat ng intriga.
SI Chua ay isa lamang sa limang incumbent Congressmen na nanatili sa Lacuna-Servo tandem, dahil sa paniniwalang sila ang best choice na mamuno sa lungsod sa susunod na tatlong taon. Mayroon lamang na anim na Congressman ng Maynila.
Ang limang iba pa ay sina Congressman Rolan Valeriano (2nd district); Edward Maceda (4th district), Irwin Tieng (5th district) at Benny Abante (6th district).
Ang majority ng kasalukuyang Manila City Councilors ay nasa tiket din ni Lacuna at Servo. (ANDI GARCIA)