Advertisers
NANANAWAGAN sa Kongreso ang libo libong miyembro ng Pag-Ibig funds na nakakuha ng housing loan na maimbestigahan ang hindi makataong panggigipit at paniningil na halos walang pakialam kung mabubuhay pa ang isang pamilya.
Ang Pag-Ibig funds para sa kaalaman ng mga Ka Usapang HAUZ ay kumuha ng mga Private Collection Agency at umano’y siya ng namamahala sa lahat ng koleksiyon pagdating sa mga housing loan.
Maging sa pagdedesisyon ay ang private collecting agency ang siyang may kakayahan kung pagbibigyan ang kahilingan ng isang nag housing loan kung papayagan silang maipagpatuloy ang kanilang nasimulan ng hulugan na bahay dahil delayed ang kanilang paghuhulog sa Pag-Ibig.
Sa pagiimbestiga ng Usapang HAUZ lumalabas na ang ahensiya ng Pag-Ibig ay wala ng pakialam sa paniningil ng monthly billings lalo na kung ito ay umaabot sa 3 o hanggang 6 buwang atraso at dito na papasok ang mga kakutsaba ng ahesiya ang private collecting agency.
Nito lamang nakalipas na buwan dumulog sa Usapang HAUZ ang isang indibidwal at inihayag nito ang pagkakadismaya sa tanggapan ng Pag-Ibig funds main branch sa Mandaluyong City dahil sa pagkakatanggap niya ng summon galing sa Regional Trial Court na nagsasabing ang kanyang housing loan ay subject for cancellation.
Dahil dito mga Ka Usapang HAUZ minabuti ng indibidwal na sadyain ng tanggapan ng Pag-Ibig funds para klaruhin ang pagkakapadala sa kanya ng summon mula RTC, isang staff ng ahesiya ang ang kinausap upang makiusap na huwag ng ituloy ang cancellation ng kanyang housing loan.
Malinaw ang pagkakasabi ng lady Pag-Ibig staff na hindi sila ang dapat kausapin hinggil sa problema kundi ang Private Collection Agency na nasa tawid kalsada lang.
Ayon sa 24K Accounts Consultant Inc madali lang naman ang problema kung agad na mababayaran ang halos aabot sa P60k na monthly payment na hindi nabayaran ng anim na buwan, ayaw din umanong pumayag na gawing installment.
Sinabi pa ng collection agency na papayag sila na magkaroon ng settlement kung ang kanilang hinulog na equity na halagang P150k at ang 3 years nilang naihulog na sa Pag-Ibig ay mababalewala na at ipapa kansela na ang subject for cancellation kung saan ang mahigit sa P500k na naihulog ay balewala na at balik sa zero.
Sa naging paliwanag ng biktima na huwag munang banggitin ang kanyang pangalan, lumalabas na regular siyang nag huhulog ng P10k buwan buwan matapos niyang makuha ang pangarap na bahay nito lamang taong 2021 kung saan nagkaroon ng konting aberya sa pagbabayad ng manganak ang kanyang misis at cesarian operation kung kaya’t naapektuhan ang paghuhulog sa Pag-Ibig.
May nakuhang demand letter ang Ka Usapang HAUZ galing sa taga singil ng Pag-Ibig funds ang 24K na isang Atty. Caesar S. Europa ang siyang lumalabas na representative ng accounts consultant inc.
Nakasaad sa isang demand letter ang hindi kaayaayang paniningil, Dear Client we are giving you a last chance to pay your monthly unpaid amortization, which as of this year is now in arrears by 5 months amounting to P20k plus and carries an outstanding balance P670k to avoid the intended cancellation of contract to sell extra judicial foreclosure proceedings of the Real Estate Mortgage.
Halagang P20K lang mga Ka Usapang HAUZ at pag hindi nabayaran kaagad agad forclosure na ang iyong pinaghirapan subasta ika nga at tiyak tiba tiba na naman kung sino man dahil bidding na naman.
Sana naman kung mainit ang usaping Phil health ay mapansin din ng Kongreso ang hindi kaaya-ayang proseso ng paniningil ng Pag-Ibig Funds, gagaling ka nga sa sakit paguwi mo galing hospital wala ka na palang bahay, kaya muli nananawagan ang mga miyembro ng Pag-Ibig partikular yung may mga housing loan sa Kongreso, Attn: House Speaker Martin G. Romualdez, Congressman Erwin Tulfo at ACT-CIS Party List Representatives.
Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o tumawag or mag text sa 09352916036