Advertisers

Advertisers

5 na narekober bangkay sa landslide sa Batangas

0 14

Advertisers

Umakyat na sa lima ang bilang ng nahukay na bangkay sa nangyaring landslide sa Brgy. Don Juan, Batangas, sa isinasagawang walang tigil na search and retrieval operations.

Nitong Lunes ng tanghali, magkasunod na nahukay ng mga rescuer ng PCG, BFP, Batangas PDRRMO, PNP at kasama ang mga rescuer ng Makati City DRRMO ang labi ng mag-inang sina Gayzhel Umali, 35-anyos at anak nitong lalaki na si Kyle Jhian Umali, 13-anyos.



Unang nahukay noong Biyernes ng hapon ang labi nina Isabel Umali Cuevas at Marife Cadacio Robles, samantalang Sabado naman ng makuha ang labi ng 21-anyos na si Stephanie Jane Cadacio Robles, na anak ni Marife.

Isa pa rin ang patuloy na hinahanap ng mga retrieval teams.

Hanggang nitong araw ng Lunes, batay sa datos ng MSWDO, 41 pamilya pa rin ang nasa Cuenca evacuation center na binubuo ng 149 na indibidwal.

Umabot naman sa 617 pamilya na binubuo ng 2,352 na indibidwal ang bilang ng apektadong pamilya sa bayan ng Cuenca.

Nasa 249 naman ang mga bahay na nasira sa pananalasa ni Kristine.