Patay ang 13-anyos na batang lalaki nang pagbabarilin ng 2 ‘di nakikilang mga salarin sa Cebu City nitong Lunes.
Kinilala ang biktima na si Kenjie De Jesus, 13-anyos, ng Brgy. Mabolo, Cebu City.
Sa report, 10:30 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa ginagawang bahay sa Sitio Lahing-lahing 2, Brgy. Mabolo, Cebu City.
Nabatid na nakaupo at nagpapahinga ang biktima sa 2nd floor ng ginagawang bahay nang dumating ang armadong 2 ‘di nakikilang mga salarin at paputukan ang biktima.
Sa kabila ng tinamong tama ng bala, nagawang makatalong ng biktima pababa ng ginagawang bahay ngunit’ pinagbabaril pa rin ito ng salarin.
Nasawi noong din ang biktima sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan habang tunakas ang mga salarin.
Patuloy ang isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang pagkakakilalan ng 2 salarin at motibo ng pamamaril. (Mark Obleada)