Advertisers
LIMA katao ang nasawi nang masunog ang Sorsogon City Public Market 10:00 ng gabi ng Sabado, Oktubre 24.
Ayon sa BFP Sorsogon City, hindi pa malaman ang pagkakakilanlan ng mga biktima maging ang kanilang kasarian dahil halos maabo na ang kanilang katawan.
Posibleng na-trap ang mga ito sa loob ng nasusunog na palengke.
Dagdag ng BFP Sorsogon City halos naubos ang mga stall sa loob ng public market.
Inaalam pa ang dahilan ng sunog na inakyat sa ikalawang alarma.
Ayon naman kay Sorsogon Gov. Jose Edwin Hamor, agad na sisimulan ang pagpapagawa ng temporary relocation sa mga apektadong nagtitinda. Inaasahan na matatapos ito sa loob ng 15 araw.
Patuloy narin ang assessment ng Department of Social Welfare and Development sa mga apektado habang siniguro naman ang tulong sa mga ito.
Sasagutin din ang pagpapalibing sa mga namatay.