Advertisers

Advertisers

9 notoryus drug pusher tiklo ng QCPD

0 89

Advertisers

Naaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang siyam na notoryus na drug pusher na responsable sa pagkakalat ng ilegal na droga  sa lungsod sa isinagawang buy-bust operation sa loob ng isang araw sa lungsod.

Ayon kay QCPD District Director, Police Col. Melecio M Buslig, Jr, ang pagkakadakip ng siyam na tulak ay bunga ng magkakahiwalay na anti-illegal drug operation sa loob ng 24-oras, mula 2:00 ng madaling araw ng Oktubre 28 – 2:00 ng madaling araw ng Oktubre 29, 2024 . Ang operasyon nagresulta din sa pagkakakumpiska ng 18.8 gramo ng shabu at 29.25 gramo ng marijuana kung saan ang lahat umabot sa halagang P171,715.00.



Sa operasyon ng Talipapa Police Station (PS 3) sa ilalim ni  PLt. Col. Bryan Angelo Pajarillo, nadakip si Osler Espina, 24-anyos, at residente ng Brgy. Balonbato, Quezon City. Nadakip ang suspek  9:45 ng gabi nitong Oktubre 28, 2024, malapit sa  Camachile Footbridge sa  North Luzon Expressway,  Brgy. Unang Sigaw, Quezon City.

Samanatala, sa operasyon ng  Project 6 Police Station (PS 15),na pinamumunuan ni PLt. Col. Roldante S Sarmiento, nadakip  10:00 ng umaga ng  October 28, 2024, sa  Cotabato St., Brgy. Alicia, Quezon City sina Warren Garciano Sosmeña, 44; at  Marc Kevin Dumlao Songco, 45-anyos, pawang  residente ng  Brgy. Alicia at Brgy. Sto. Cristo, Quezon City. 

Habang naaresto naman sa pangunguna ni PLt Col Leonie Ann Dela Cruz, Station Commander ng Kamuning Police Station (PS 10), sina Benito Gabuya Jr., 24-anyos, residente ng  Brgy. Old Balara, Quezon City; at John Lester, 22-anyos, residente ng  Brgy. Pansol, Quezon City  9:30 ng gabi, Oktubre 28, 2024 sa kanto ng Kamias RoadEDSA, Brgy. Pinyahan, Quezon City.

Kakasuhan ang mga suspek ngh paglabag sa R.A. 9165,(Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa  Quezon City prosecutor’s Office.(Almar Danguilan/Ernie dela Cruz)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">