Advertisers
Inihayag ng Southern Police District (SPD) na 78 na wanted na katao ang naaresto sa loob ng isang linggo.
Saklaw ng SPD ang mga lungsod ng Taguig, Muntinlupa, Paranaque, Las Pinas, Pasay at Makati at ang munisipalidad ng Pateros.
Sa pagsasagawa ng warrant operations ng SPD mula Oktubre 19 hanggang 25, inaresto ng mga unit ng pulisya ang 11 na top most wanted persons, 29 na most wanted persons at 38 iba pang wanted persons.
“We are dedicated to upholding the law and protecting our communities.” ayon kay Brig. Gen. Bernard Yang.
“We will continue to work tirelessly to create a safer environment for everyone,” dagdag pa nito.