Advertisers

Advertisers

Kelot, binoga-bulagta sa bespren

0 8

Advertisers

Nasawi ang 40-anyos na lalaki nang pagbabarilin ng kaibigan sa Pasig City.

Kinilala ang biktima na si Lynell Perez Eugenio at nagtatrabaho bilang delivery man.



Sa ulat, sa isang eskinitang sa Feliciano street nangyari ang pamamaril, kung saan nagawa pang makalakad ng biktima hanggang sa mapasandal at tuluyan na lang bumagsak sa isang gate.

Ayon sa mga kaanak ng biktima, nagtamo ng dalawang tama ng bala sa likod ang biktima.

Isa sa collar bone at isa sa tuhod na dahilan kaya agad daw nitong ikinasawi.

Ilang sandali bago ang pamamaril, nakunan pa sa CCTV ang biktima na naglalakad sa isang eskinita malapit sa pinangyarihan ng insidente.

Niyaya pa itong magyosi ng salarin.

“ung victim po, nakaupo po siya sa motor. And then ‘yung namaril po is kasama po niya ‘yung lola-lolahan ko,” sabi ng kaanak ng biktima.



Ang salarin, tila wala raw sa wisyo bago maganap ang krimen.

“Lasing po siya, tapos po, pulang-pula ‘yung mata, bangag na bangag po ‘yung itsura niya,” saad naman ng isang saksi.

Sa isang bakanteng lote raw dumaan ang salarin matapos ang pamamaril.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente, gayundin ang manhunt operation para madakip ang lalaking bumaril.