Advertisers
Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang dalawang lalaki nang maaksidente habang sakay ng isang motorsiklo sa ibabaw ng tulay sa Zarraga, Iloilo.
Sa ulat, nangyari ang insidente sa Barangay Sigangao noong Sabado ng gabi.
Kinilala ang mga biktima na sina Lorman Almarel, 33-anyos, rider; at angkas na si Kennery Fernandez, 32, kapwa residente ng nasabing barangay.
Ayon sa pulisya, mabilis ang takbo ng motorsiklo nang tumama sila sa asphalt overlay ng tulay kaya nawalan ng kontrol sa motorsiklo si Almarel.
Tumilapon ang dalawa mula sa motorsiklo at tumama si Almarel sa bangketa ng tulay, habang nahulog si Fernandez sa ilog.
Kapwa walang suot na helmet ang dalawa na idineklarang dead on arrival sa ospital.