Advertisers
Nasamsam ang sa 44-anyos na lalaki na tinaguriang high-value individual ang shabu na nagkakahalaga ng P7 milyon sa isang buy-bust operation sa Tagbilaran City, Bohol province, noong Linggo, Oktubre 27.
Kinilala ang suspek na si Mario Aranzado.
Saulat, nahuli ang suspek ng mga operatiba ng Provincial Intelligence Unit (PIU) ng Bohol Police Provincial Office (BPPO) na may bitbit na mahigit isang kilo ng shabu.
Nakuha rin mula sa suspek ang isang .38 caliber revolver.
Sinabi ni Police Lt. Col. Joemar Pomarejos, hepe ng BPPO PIU, naaresto si Aranzado noong 2015 dahil din sa iligal na droga nguni’t na-clear sa mga kaso.
Bumalik sa pagbebenta ng iligal na droga ang suspek nang makalabas sa kulungan.
Sinabi ni Pomarejos na nahuli si Aranzado nang matukoy na pinagmulan ng 50 gramo ng shabu na nasabat sa isa pang drug suspect na naaresto noong Linggo ng hapon sa Barangay Bayabas, Maribojoc, Bohol.
Sinabi ni Pomarejos na may kakayahang magbenta si Aranzado ng isa hanggang dalawang kilo ng shabu kada linggo.
Patuloy ang imbestigasyon para matukoy ang mga kasamahan ng suspek sa kalakalan ng iligal na droga.