Advertisers

Advertisers

Buhay na baby ipinaanod sa kanal

0 2

Advertisers

Natagpuan ang isang buhay na sanggol na lalaki ng isang residente sa isang kanal sa bayan ng Pavia, Iloilo nitong Linggo.

Ayon kay alyas Nonoy, nakakita sa sanggol, nagpapakain siya ng kaniyang alagang aso nang makarinig ng iyak ng sanggol.

Dahil dito, sinundan umano niya ang pinanggagalingan ng iyak at nang makarating siya sa damuhang kanal ay tumambad sa kaniya ang sanggol na kumakawag pa.



Agad na humingi ng tulong si alyas Nonoy sa kaniyang mga kapitbahay para makuha sa kanal ang buhay na sanggol at dinala sa Rural Health Unit ng bayan ng Pavia.

Nasa mabuting sitwasyon na umano ang kalagayan ng sanggol, ayon sa awtoridad.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Women And Children Desk Protection WCPD ng Pavia PNP para matukoy kung sino ang walang pusong ina ang nag-iwan sa sanggol sa kanal.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">