Advertisers

Advertisers

Magkapitbahay patay nang magtalo sa ingay ng videoke

0 9

Advertisers

Patay ang magkapitbahay na lalaki nang magtalo at magbarilan dahil sa malakas na sound ng videoke sa Datu Odon Sinsuat, Maguindanao noong Linggo ng umaga.

Kapwa binawian ng buhay sa Datu Odin Sinsuat Municipal Hospital ang mga biktimang sina Sulaiman Lemon Maulana, 34; at Suharto Antong, 34, magkapitbahay sa Sitio Recto, Brgy. Poblacion ng nasabing bayan.



Sa ulat na ipinadala ng CIDG Regional Field Unit Bangsamoro Autonomous Region sa Kampo Crame nitong Lunes ng umaga, naganap ang insidente 11:00 ng umaga noong Linggo.

Nagtalo umano ang mga biktima nang sitahin ni Maulana si Antong dahil sa malakas na pagkanta nito sa videoke na nakakabulahaw umano sa mga kapitbahay.

Napag-alaman na matapos na maghamunan umuwi sa kanilang bahay si Maulana at bumalik sa bahay ni Antong na armado ng baril at pinagbabaril ito.

Subali’t bago matumba, nakuha pang makaganti ng putok ni Antong at nasapol din si Maulana sa katawan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">