Advertisers

Advertisers

15 tsekwa arestado sa ilegal na pabrika

0 7

Advertisers

Arestado ng mga tauhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang 15 na Chinese nationals sa pabrika ng sigarilyo sa Cabanatuan City na hindi nagbabayad ng buwis.

Sa tala ng BIR, nasa mahigit 636 million pesos na halaga ng unpaid taxes at penalties ang maaaring bayaran ng mga nasa likod ng pabrika.



Ayon sa BIR, natuklasan sa isinagawang raid ang mga illicit cigarettes, mga machines, fake tax stamps, raw tobacco at ibang materyales na ginagamit sa paggawa ng sigarilyo.

Iniimbestigahan na rin ang mga suspect at natakdang sampahan ng patong-patong na kasong paglabag sa National internal Revenue Code o NIRC.