Advertisers
Ni Beth Gelena
IBINAHAGI ni Ivana Alawi ang dahilan kung bakit siya na-ospital kamakailan sa kanyang YouTube Channel.
Aniya, ‘Feel ko it’s my second life.’
Matatandaang last month ay isinugod ang Kapamilya aktres sa hospital.
Hindi niya sinabi ang rason kung ano ang kanyang sakit.
Sa recent vlog niya, doon niya binigay ang detalye ng kanyang confinement at kung papano niya nalampasan ang sakit na nararamdaman.
Sa kanyang vlog, very emotional ang aktres sa pagpapaliwanag.
Nahihirapan umano siyang huminga nang maayos dahil nagkaroon ng maraming tubig ang kanyang tiyan na para umano siyang five months pregnant.
Kuwento niya, “I also got fluid in my stomach na sobrang napuno na siya. Day by day habang nasa ospital ako, umaangat nang umaangat ‘yung fluid sa tiyan ko. Mukha akong five months pregnant. Tapos ‘yung sakit, hindi na ako makahinga.”
“Feeling ko kada hinga ko para akong nalulunod tapos sumisigaw na ako na hindi ko na kaya. I felt like the liquid was already getting to my lungs tapos parang sabi ko ‘butasan niyo na ako’. Kasi guys, ‘di talaga ako nagpapabutas kahit saan kasi ayoko, ayokong magkapeklat.”
Nilagyan na raw siya ng tubo sa katawan para ma-drain ang fluids.
Dalawang litrong tubig umano ang nakuha sa kanyang lungs kaya raw pala siya nahihirapang huminga.
Unti-unti naman daw siyang nare-relieve habang tuluyang na-drained out ang fluid at nakahinga na siya nang mabuti.
Pag-amin ni Ivana, ang na-experience niyang iyun ang isa sa pinakamasakit na nangyari sa kanya na kinonsider niyang her second chance at life.
Advise niya sa kanyang fans at sa mga netizens na rin, “Kapag may naramdaman kayong sakit–– may tinitiis kayong sakit–– magpa-check na kayo agad wag niyong hintayin lumala. Wag niyong pigilan yung sakit. The earlier the better. Siguro kung di ako pumunta nung hospital, feel ko wala na talaga ako. Ganun level. Nagpapunta na lang ako ng hospital nung di ko na talaga kaya.”
Tuluyan na ang paggaling ni Ivana.
Sadyang may mabuting puso ang dalaga.
Aniya, ang kikitain ng kanyang vlog ay ido-donate niya sa hospital para sa mga hindi nakakabayad ng kanilang hospital bills.
***
BLYTHE MAKE-UP CHALLENGE
2024 VIRAL
Viral ang entry ni Andrea Brillantes para sa 2024 makeup challenge rewind.
Pinost niya ang video sa kanyang social media account where it immediately gained thousands of reacts from her followers.
Ang caption na kanyang nilagay, 2024 was definitely the year for makeup trends!!! I wanted to join in all of them, but i was busy filming Senior High at that time. So last April, I decided to wait until the end of the year and do a little rewind of some of the big trends i missed. Here’s my first entry!!!”
Nilapatan niya ng background music na famous theme song ng isang popular TV series na Marimar.
Komento ng mga netizens, “The Marimar we’ve always wanted but never got.”
“Super bagay,” komento ng isang fan.
“Gandang marimar naman ni Blythe.”
” Excited ako sa marimar trend”
“Tama yan bumawi ka cuz you don’t have a halloween entry.”
“Ikaw ang year ender ng mga trends period.”
“She’s an icon, my the original musically queen & princess of Philippine dramas”
***
JULIA VERY PROUD KAY GERALD
Very proud si Julia Barretto dahil na-promote ang boyfriend na si Gerald Anderson bilang auxilliary captain sa Philippine Coast Guard.
Sina Julia at Gerald ay very supportive sa isa’t isa sa kanilang endeavors, showbiz man ito o outside the entertainment industry.
Aside sa pagiging actor, Gerald, active rin siya sa kanyang duty bilang member ng PCG.
He was admired by many people because this title is not merely something that is attached to his name.
Kamakailan lang ay tumanggap ang actor ng promotion mula sa Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) bilang auxiliary captain.
Present si Julia kasama ang ama ni Gerald na si Gerald Randolph Anderson Sr. sa oath-taking ceremony.
Maging ang ina ng aktres na si Marjorie Barreto at ang COO for broadcast of ABS-CBN, Cory Vidanes ay naroroon din bilang suporta sa actor.
Ang oath-taking ceremony was presided over by Adm. Ronnie Gil Gavan, commandant of the Philippine Coast Guard at Sen. Robin Padilla.
Nakapanayam after ng ceremony si Gerald.
Aniya, “More than the rank, it’s just being here with amazing people. Na-recognize tayo ng idol natin sa ganitong sitwasyon and circumstances, di ba? Si Senator Robin Padilla pa yung nag-pass ng resolution for this to happen.”
Habang ini-interview si Gerald ay nakatayo sa kanyang tabi ang girlfriend.
Kinuhanan din siya ng pahayag sa bagong achievement ng boyfriend
“More than anything, I’m very proud to have been part of the celebration, to witness this milestone for him. I am so proud of him because he really does his duties and really goes out there. Love to help,” pakli ng aktres.
Dugtong pa niya, “At the end of the day, I really am just his partner who will always have his back.”