Advertisers

Advertisers

Transparency ng budget sa Marikina LGU tinted?

0 42

Advertisers

Kinukumpara sa ngayon ng mga miyembro ng Konseho ng Marikina City Local Government Unit na tila Tinted at One Way Mirror ang nagaganap na budget deliberation para sa taong 2025.

Nito lamang nakalipas na araw ng Miyerkules nagkaroon ng Session ang mga konsehal ng Marikina para pagusapan ang tumataginting na P3.4 billion budget para sa susunod na taon, pero mga Ka Usapang HAUZ may isang konsehal ang nagtataka kung bakit maraming Media na nakatutok sa gagawing session.

Ginawang iligaw ni konsehal ang mga Media at nagpakita ito ng kopya ng resolution kung ano ang gagawin ng konseho sa araw na iyon, eh ang sabi ba naman nitong si konsehal ay magbibigay lang sila ng parangal sa isang taga Marikina na naguwi ng karangalan sa larong Ji Jitzu pilit nitong tinataboy ang mga mamamahayag at huwag ng mag cover dahil maliit lang na event.



Tila pusang hindi maihi itong si konsehal ng magdatingan ang mga kasamahan sa konseho hanggang magbigay na ng go signal si Vice Mayor Marion Andres para simulan ang session.

Sa madaling salita mga Ka Usapang HAUZ naging maiksi ang naging balitaktakan at agad na I adjourn ang session dahil sa mga maiinit na tanong hinggil sa budget na 3.4 billion na tila tinted ang sinasabing transparency at walang maipakitang maayos na dokumento sa mga konsehal.



Pinangunahan ni Marikina 2nd District Councilor Bong Magtubo ang pagpaunlak ng panayam sa mga reporter at dito na nilahad mga Ka Usapang HAUZ ang sentimiyento ng mga kapwa konsehal.

Unang naging pahayag ni Magtubo ay ang dapat na magkaroon ng Public Hearing, magkaroon sila ng kopya ng mga dokumento na naglalayong saan at kanino mapupunta ang halagang target sa susunod na taon.



Nawala na rin ang kapangyarihan ng konseho na sila ang dapat humimay sa naturang budget kung saan ito ay naaayon sa batas at hindi direktang ang office of the Mayor ang siyang mamamahala agad sa nasabing 3.4 bilyon.

Magkaroon ng tamang impormasyon kumpletohin ang mga dokumento maging educated habang may natitira pang 2 session ay sana makakuha na kami ng kopya para naman mapag-aralan namin kung kani kaninong department mapupunta ang mga malalaking budget sa susunod na taon.

Sa parte naman ni Councilor Mary Jane Zubiri Dela Rosa hanggang sa ngayon ay walang maipakitang kopya ang Committee on Appropriation hinggil sa gagawing paggastos sa nasabing budget sa taong 2025, naniniwala silang kung bibigyan sila ng kopya ay mas mapag-aaralan nila ng husto at maipamamahagi ng maayos para na rin sa kapakanan ng taong bayan.

Mainit pang inihayag mga Ka Usapang HAUZ ni Konsehal Dela Rosa hinggil sa maraming problema sa Marikina isa na rito ang health kung saan wala ng makuhang mga gamot sa health center mga basic services ay nagiiyakan na dahil zero budget habang P700 Million ang napunta sa tanggapan ni Mayor Marcy Teodoro.

Ibinulgar pa ni Dela Rosa ang pagkakautang ng Marikina LGU na nagkakahalaga ng 3.6 billion taong 2023, tinanong din nila ang COA, Finance Committee at maging ang Treasury Office ay pawang mga tikom ng bibig.

Wala rin report ayon kay Dela Rosa ang kinikita ng Palengke, Sports Center at iba pa habang ang kapangyarihan ng konseho para ayusin ang pondo ay nababalewala na rin.

Naghamon ang grupo nina Dela Rosa at Magtubo na sakaling sila ang mali sa kanilang ipinaglalaban ay tatanggapin nila ang pagkakamali sakaling sila ang mali ay dapat na itama pera ng taong bayan na nararapat na ang taong bayan rin ang makinabang.

***

Par sa Inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o tumawag or mag text sa 09352916036