Advertisers
MARIING iginiit ng Department of Justice (DOJ) na hindi dahil sa treaty na mayroon ang Pi-lipinas at Indonesia kaya’t maibabalik na ng bansa si Mary Jane Veloso.
Pahayag ng DOJ, ito ay dahil na rin sa walang humpay na pakikipag-usap at kasunduan batay sa international comity and courtesy sa naturang bansa.
Una nang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pumayag na ang Indonesia na ilipat ang kustodiya ni Veloso sa Pilipinas.
Si Veloso ay nahaharap sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga sa Indonesia at kamalayan ang naging hatol dito.
Maraming administrasyon na ang nakiusap sa gobyerno ng Indonesia na mapalaya ang Pinay ngunit ang mga ito ay nabigo.
Ngayong ilipat na siya sa pangangasiwa ng Pilipinas, maililigtas na rin ito sa parusang kamalayan dahil walang Death penalty sa bansa.
Inaasahan namang maibabalik sa Pilipinas si Veloso sa lalong madaling panahon.