Advertisers
Hindi isinasantabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na posibleng may foul play sa pagkamatay ni Col. Rolando Escalona Jr., na natagpuang patay sa loob ng kaniyang quarters sa loob ng kampo noong Nobyembre 22.
Ayon kay AFP Spokesperson Col France Margareth Padilla, sinabi nito na patuloy ang ginagawang imbestigasyon hinggil sa nasabing insidente.
Kinumpirma kasi ni Padilla na mayroong isang tama ng bala si Escalona Jr. subalit hindi nito nilinaw kung saan ang tinamong tama nito.
Si Escalona ay isa sa Judge Advocate General’s Service na siyang nagsisilbing Legal Counsel ng AFP.
Base sa inilabas na statement ng AFP kahapon, Nobyembre 22 nang matagpuang wala ng buhay si Escalona Jr. sa loob ng kaniyang quarters.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa insidente.