Advertisers

Advertisers

2 sabungero patay, 1 sugatan sa riding in tandem

0 21

Advertisers

Nasawi ang dalawang sabungero at isa ang sugatan nang pagbabarilin ng ‘di nakikilang mga salarin sakay sa isang motorsiklo habang papauwi ng bahay sa Tuburan Cebu nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Arnold Amansing at Joey Atienza Tan-awon, na kapwa taga Tuburan, Cebu. Samantala nilapatan naman ng lunas sa ospital ang sugatan si Jecar Sebas Rosalejos



 Sa report, 11:00 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa Highway ng Brgy Mangga, Tuburan Cebu.

Nabataid na papauwi na  ang mga biktima sakay sa  motorcycle galing sa isang isang derby na ginanap sa Tuburan Cebu Cockpit Areana.



Ligid sa mga biktima na sinusundan sila ng mga salarin sakay sa motorsiklo habang binabaybay ang kahabaan ng highway.

Pagsapit sa madilim na bahagi ng Brgy. Mangga, pinaputukan ang mga biktima ng mga salarin kung saan tinamaan ang mga ito ng bala sa katawan at mabilis na tumakas.



Dinala ang mga biktima sa ospital kung saan binawian ng buhay sina Amansing at Tan-awon.

Patuloy ang isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad  upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin at motibo ng pamamaril. (Mark Obleada)