Advertisers
Muling magtagisan ng husay ang mga atleta mula Brunei Darusalam, Indonesia, Malaysia at host Philippines na nagbukas kahapon Disyembre 1,sa pagbukas ng 2024 BIMP-EAGA Friendship Games sa Ramon V. Mitra Coliseum dito.
Ito na ang ika-11th edisyon ng taunang palakasan matapos maudlot noong 2020 dahil pandemya.
Asam ng powerhouse Indonesia na muling dominahin ang kumpetisyon na ginanap sa Gen. Santos City noong 1996. Pinamunuan naman ng Puerto Princesa City ang hosting noong 2003 at muling sinundan sa Gen. Santos City noong 2012.
Huling ginanap ang Brunei-Indonesia-Malaysiia-Philippines-East ASEAN Growth Area sa Brunei noong 2018 kung saan humakot ang Malaysia ng kabuuang 23-17-15 gold-silver-beonze medalya para angkinin ang overall trophy.
Pumapangalawa naman ang Brunei sa kanilang 16-9-10 habang ang Northern Territory ng Australia ay umani ng 14-13-8 para sa ikatlong puwesto.
Magpakitang gilas ang mga atleta sa walong sports discipline – archery, athletics, badminton, esports, karate (non-contact), pencak silat (non-contact), sepak takraw at swimming.
Bukod sa opening ceremonies sa Edward S. Hagedorn Coliseum, ang ibang sports events ay gaganapin sa SM City para sa esports, karatedo sa NCCC Mall, pencak silta sa Robinson’s Place, sepak takraw sa Palawan Stata University.
Ang swimming, athletics at archery ay gagawin sa Ramon V. Mitra Sports Complex at badminton sa Hagedorn Coliseum.