Advertisers
PINALAWIG ng Far Eastern University-Diliman ang kanilang winning run sa six matapos suwagin ang Ateneo de Manila University,69-55, Sabado sa pagtiklop ng elimination round ng UAAP season 87 boy’s basketball sa Araneta Colesium sa Quezon City.
FEU-D ang No.2 team na may twice-to-beat advantage sa semifinals, ay makakaharap ang No.3 University of Santo Tomas Tiger Cubs sa Mall of Asia Arena sa Pasay City, Miyerkules.
Ang iba pang semifinalist ay ang No.1 University of the East kontra No.4 National University-Nazareth School.
Anton Lopez nagpasabog ng apat na triples para magtapos ng 16 points at Kierdy Victoria nagdagdag ng nine points para sa FEU-D.
Duke Santos at Prince Cariño umiskor ng tig-eight points,habang si mark Dulin at CP Medina nagdagdag ng tig-seven points.
Domeng Ngo nagdeliver ng 12 points,six rebounds,three assists at two steals para sa Ateneo.
Samantala, Vince Magan kumamada ng 26 points,10 rebounds,five steals at three ssists para sa De La salle-Zobel na tinambaakan ang Adamson University,73-59.
Melvin Tailan tumabo ng 23 points,six rebounds,six assists, at three steals para sa Junior Archers, na tinapos ang kanilang kampanya sa 6-8 kasunod ang Blue Eagles (5-9)
Khylan Edison Jordan may 20 points, 13 rebounds,four assists, two steals at two blocks para sa Adamson (3-11), Habang ang University of the Philippines Integrated School tinapos ang season winless.