Advertisers

Advertisers

PHARMALLY B WALANG KONEKSIYON SA PHARMALLY P…

0 28

Advertisers

Ang PHARMALLY BIOLOGICAL ay hindi sister company ng kontribersiyal na PHARMALLY PHARMACEUTICAL CORP. na ito ngayon ang sinisiyasat ng CONGRESS QUAD COMMITTEE (CQC).

Ito ang naging paglilinaw ng negosyante at ngayo’y kumakandidato bilang QUEZON CITY 5th DISTRICT REPRESENTATIVE ROSE NONO LIN na ang naglaho niyang pag-aari na PHARMALLY BIOLOGICAL ay walang kinalaman sa kontrobersiyal na PHARMACEUTICAL COMPANY at hindi rin umano siya opisyal o shareholder dito sa nasabing kompanya na mayroon lamang mahigit P600,000 ay nakakopo ng bilyon-bilyong halaga ng kontrata sa nakaraang administrasyon.., na aniya ay walang koneksiyon ang PHARMALLY BIOLOGICAL sa PHARMALLY PHARMACEUTICAL.

Noong 2021 ay nilinaw rin ni ROSE LIN sa SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE HEARING na wala umano siyang kinalaman o koneksiyon sa P8 bilyon contract na nakopo ng PHARMALLY PHARMACEUTICAL para pangasiwaan ang MEDICAL SUPPLIES sa COVID-19 response ng DUTERTE ADMINISTRATION kahit hindi kuwalipikado ang kompanyang ito dahil ang paid-up capital lamang nito ay nasa P625,000.



“I have no involvement in the operations of Pharmally Pharmaceutical Corp. Pharmally Biological is a different entity, and has no shares or stocks with Pharmally Pharmaceutical. I am just an ordinary citizen and businesswoman making a living in a legal and fair means. All the accusations against me and my family were purely hearsay,” pagpupunto ni ROSE LIN.

May mga dokumento kasing nagpapakita umano na ang asawa ni ROSE LIN na si LIN WEI XIONG, HONG KONG NATIONAL ang siyang FINANCIAL MANAGER ng PHARMALLY PHARMACEUTICAL at CLOSE ASSOCIATE ni MICHAEL YANG na dating ECONOMIC ADVISER ni EX-PRES. RODRIGO DUTERTE.., ay ipinunto ng mga abogado ni ROSE LIN na ang mga dokumento ay hindi magpapatunay na ang PHARMALLY BIOLOGICAL at PHARMALLY PHARMACEUTICAL ay sister companies o kahit si ROSE LIN ay opisyal at shareholder ng kompanyang may kontrobersiyang kontrata sa nakaraang administrasyon.



Ayon pa sa mga abogado ni ROSE LIN na bagama’t sa ilang aktibidad ay magkasama ang asawa niya at si MICHAEL YANG ay hindi rin umano ito magiging basehan para sa anumang pagpapatunay.

“All these are speculations. She is not an officer [of Pharmally Pharmaceutical] nor involved in the operation or implementation of the contract,” paggigiit ng abogado ni ROSE LIN.



***

MARIKINA CITY GOVERNMENT IRERESPETO PANANAW NG MGA BATA!

Bahagi nang pagpapatatag sa karapatan ng mga kabataan na maiwasan ang abuse, neglect, exploitation, at violence ay nilagdaan nitong November 30, 2024 ni MARIKINA CITY MAYOR MARCELINO “MARCY” TEODORO ang inakdaan ni WOMEN’S AND FAMILY AFFAIRS COMMITTEE CHAIRMAN COUNCILOR MARIFE DAYAO na “2024 CHILDREN’S CODE OF MARIKINA CITY” sa ginanap na 32nd NATIONAL CHILDREN’S MONTH.

Ang naturang ordinansa ay nagsasaad ng RESPECT FOR THE VIEWS OF THE CHILD.., na ang mga bata ay may karapatan na mapakinggan at makipagpartisipa sa lahat ng usaping makakaapekto sa kanila at ang kanilang pananaw ay marapat na mabigyan ng kaukulang pagsusuri at konsiderasyon.

Para sa magandang kapakanan ng mga bata ay nakasaad ang…, “all decisions and actions concerning children made by governments through their courts of law, administrative authorities, legislative bodies, and both public and private social organizations must be done with the best interests of the child as paramount consideration.., Non-Discrimination and Government shall ensure that all children are able to enjoy their rights irrespective of their or their parent’s or legal guardian’s race, color, sex, sexual orientation, gender identity or expression (SOGIE), language, religion, political or other opinion, nationality, ethnic or social origin, property, disability, birth, or other status.”

“I hope that this past month has empowered all of you. And from today onwards, may you, in your own capacities, empower other children as well.., dahil ang inyong kanya-kanya at pinagsama-samang boses ay ang buhay ng ating komunidad, ito ang tinig ng pag-asa at pagbabago. May karapatan kayong mapakinggan, may lakas kayong magpahayag, at may kapangyarihan kayong baguhin ang hinaharap,” bahagi ng naging speech ni MAYOR MARCY sa isinagawang selebrasyon ng 32nd NATIONAL CHILDREN’S MONTH!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.