Advertisers
Inamin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na hinarang nito ang paghahain ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa isang ambush interview sa Lucena City sa Quezon Province sinabi ng Pangulo na walang patutunguhan ang paghahain ng impeachment laban sa pangalawang pangulo.
Nabigla din si Presidente kung bakit na leak ang nasabing komunikasyon.
Aniya, sa kanyang opinyon hindi ito importante at hindi rin ito magkakaroon ng pagbabago sa buhay ng mga Pilipino kaya bakit pa aniya aksayin ang oras.
Samantala kung maalala, kumalat ang umano’y text message ng Pangulo na pinapatigil nito ang paghain ng impeachment.
Nakakasa na umano ang paghain ng impeachment laban kay VP Sara.
Hindi naman sinabi ng Pangulo kung kanino niya ipinadala ang nasabing text message.
Sino ang gustong paikutin ni Marcos Jr. at ng kanyang mga script writers cum media propagandists /liars?
Nagleak text message ni Presidente?
Oh common!
Ang hilig nyo naman dyan sa Malacanang magpaikot at manloko ng sambayanan!
Ano ba ‘yan Mr.Cesar Chavez ng PCO?
Bakit mo hinahayaang magrelease ng fake news ang iyong tanggapan na alam mong di lulusot sa matatalinong mamamayang Pilipino.
‘Yan ang talagang security threat sa Pangulo kung totoong nagle- leak ultimong ang mga text messages Presidente…
Ano ginagawang aksyon ng PSG, ISAFP at NICA?
NGANGA at kuyakoy na lang?
Ang tanggapan ni Secretary Ed Ano na NSC?
Tingin na lang din sa hangin at langit?
Sabagay, kung sa mismong loob ng Kampo CRAME ay may napatay na PNP colonel na hindi man lang naibabalita sa mainstream media kahit pa nga andyan sa loob ng compound ng kampo ang presensiya ng PNP Press Corps?
Nabuking lang ang nangyaring pagpatay sa nasabing colonel at ang ginawang “news blackout” dahil na rin sa impormasyon ng ilang miyembro at opisyal ng isang grupo ng kapulisan!
General Jean Fajardo maam ,baka puwedeng mong ipaliwanag ang isyung ito.
Di puwedeng manahimik ka na lang at dedmahin ang nabulgar na” news blackout” at pagpatay sa isang colonel sa loob mismo ng PNP national headquarters
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com