Cong. CRV, rumesbak sa mga vloggers na nanlait sa pagiging dermatologist ni Mayor Honey
Advertisers
RUMESBAK si ang isang Manila Congressman sa ayon sa kanya ay ‘mga nagmamarunong na vloggers at trolls’ na ayon pa sa kanya ay walang karapatang laitin si Mayor Honey Lacuna sa pagiging dermatologist, dahil sa panahon ng pandemic, si Lacuna ang may hawak ng health cluster kaya naman epektibo at sistematikong nabantayan ng lungsod ang COVID cases at vaccination.
SI Manila 2nd District Congressman Rolan Valeriano, sa kanyang pagtatanggol kauna-unahang lady mayor, ay sinabi na walang dapat pagtawanan o kutyain sa pagiging isang doktor dahil Hindi ito madaling trabaho at hindi ba’t madalas na pangarap ng bawat isang magulang ay maging doktor o abogado ang kanilang anak?
Ayon kay Valeriano si Lacuna ay nagsimulang maglingkod bilang doctor sa Maynila noong pang 1992 at Isang lisensyadong doktor sa mahigit na 30 taon.
Ang alkalde, dagdag pa niya ay isang general practitioner sa larangan ng public health, at nagsilbi sa Ospital ng Maynila, Manila Health Department, City Social Welfare Department at health centers saTondo at Bacood.
“Kaya kayong mga bayarang vloggers diyan sa gedli-geldi, tabi-tabi, sulok-sulok at ilalim ng lupa, kumonsulta na kayo sa dermatologist dahil baka may kumapit na palang sakit sa makapal ninyong balat kasi di tinatablan ng kahihiyan,” sabi ni Valeriano.
Dagdag pa nito na :”O kaya magtakip na lang siguro kayo ng bayong sa ulo para itago ang inyong mukha. Kayo ang mga modernong MAKAPILI na binabayaran upang manira ng taong puro para sa kabutihan ng mga Manileño ang misyon sa buhay niya. Iskonian vloggers, mahiya kayo sa balat niyo!”
Bilang isang doktor na espesyalista sa dermatology, sinabi ni Valeriano na si Lacuna ay nag-aral pa ng karagdagang tatlong taon at kailangang pumasa sa dermatology board exam bago tuluyang maging isang full-fledged dermatologist.
“Malawak ang sakop ng dermatology. Hindi lang ito tungkol sa ‘gluta’ o pagpapaganda. Ang dermatology ay tungkol sa lahat ng may kinalaman sa balat, buhok at kuko ng tao. Nariyan na ang mga skin rash, infection, sugat, pasa, bukol at mga communicable diseases na ang paraan ng pagkahawa ay sa skin-to-skin contact,” saan ng Congressman.
Sinabi ni Valeriano,na siyang House Chairman of the Committee on Metro-Manila Development at member ng Committee on Good Government and Public Accountability, na bago manlait ng isang doktor eksaminin ang sarili kung ano ang natapos ninyong kurso at kung hanggang saan na ang naabot ninyo sa buhay. (ANDI GARCIA)