Advertisers

Advertisers

Sharon may patama sa IG post, kay KC nga ba?

0 19

Advertisers

Ni Rommel Placente

MAY pinatatamaan nga ba si Sharon Cuneta sa kanyang latest Instagram post?

Nagbahagi kasi ang premyadong singer-actress ng isang quote card sa kanyang IG account na may kaugnayan sa usaping pamilya at mga anak.



Mababasa sa ipinost niyang card ang mga katagang, “Family is not about blood. It’s about who’s willing to hold your hand when you need it the most.”

Kalakip nito ang litrato nila ni Julia Montes, na co-star niya sa Saving Grace, na itinuturing na niyang parang tunay na anak.

Ang nakasulat sa caption ng naturang artcard at litrato nila ni Julia ay, “My beloved Julia…I love you with all of my heart. I thank God that you came into my life..

“Pinakamamahal kita sa lahat ng naging ‘anak’ ko na hindi ko naisilang. Forever your Mommy!” aniya pa.

Sa madamdaming message na ito ni Megastar kay Julia, iba’t iba ang naging reaksyon ng fans at IG followers niya at feeling nga nila ay may pinatatamaan ang award-winning actress. At may ilan pa ang nang-iintriga sa kanya.



Hindi raw kay may pinatatamaan na naman si Ate Shawie sa kanyang mga hugot? May konek ba ito sa tunay niyang mga anak, partikular na kay KC Concepcion?

Narito ang ilang comments ng mga netizen.

“Julia will be the next Hilda Koronel. love her.”

“Awwww… very heartwarming caption. Julia must be very proud to have Ate Sharon to call as Mommy.”

“Julia Montes seems like a real nice person. Im starting to like her in the show. Pareho kayong mabuting tao.”

“Sending love to both of you. Excited on the next episode of Saving Grace.”

“We love julia montes!!! Mukha syang mabait and very humble bagay sila ni mega mag ina.”

“Both pretty inside and out. Iba yung glow nilang mag-ina talaga. Iba kasi kapag maganda ang heart nagrereflect sa awra. Lablab Teacher Anna and Ms. Miranda.”

***

HINDI na pala itutuloy ni Mon Confiado ang kasong isinampa niya laban sa isang content creator na nagkalat ng mga gawa-gawang kuwento tungkol sa kanya.

Kuwento ni Mon sa panayam, maraming beses nang humingi ng tawad sa kanya ang content creator na si Ileiad o Jeff Leanneroie Bonilla Jacinto sa totoong buhay, maging ang ina nito.

Lagi raw itong nagme-message sa kanya at sinasabing mahirap lamang sila at walang kakayahang kumuha ng abogado.

“Dahil busy naman ako at dahil siya ay humingi na rin ng paumanhin; at yung nanay napakaraming messages na humihingi sa akin ng tawad, humihingi ng sorry. Mahirap lang daw sila, wala silang pambayad ng abogado,” sabi ni Mon.

Matatandaang nagsampa ng cyberlibel case ang aktor laban sa naturang content creator noong August. Ito ay nag-ugat sa isang joke, kung saan inakusahan at ipinalabas ng content creator na magnanakaw umano si Mon.

Sey ng aktor, hindi magandang biro ang ginawa nito para sa kanyang content kaya naman sinampahan niya ito ng kaso para bigyang leksyon ang lalaki.

Pero ayun nga, naawa si Mon sa content creator at sa ina nito, kaya inatras niya na ang kasong isinampa niya..

“Saka di naman ito malaking kaso. Kumbaga, ang bottom line lang naman ay makapagbigay ng awareness na hindi naman tayo dapat ginagamit,” sey pa niya.