PBBM, pinasalamatan ni Mayor Honey sa inclusion ng JO at CoS personnel sa gratuity pay
Advertisers
PINASALAMATAN ni Manila Mayor Honey Lacuna si President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa pag-aanunsyo ng inclusion ng lahat ng job order (JO) at contract of service (CoS) personnel sa gratuity pay ngayong taon.
Sa kanyang maiksing mensahe sa regular flagraising ceremony na ginawa sa Manila City Hall nitong Lunes ng umaga, pinasalamatan din ni Lacuna ang mga city officials at mga kawani sa panibagong taon ng dedikasyon, katapatan at tunay na serbisyo sa lungsod ng Maynila at sa mga residente nito.
“Maraming maraming salamat sa isa naman pong taon ng inyong tapat at totoong paglliingkod,” saad ng alkalde.
Idinagdag pa nito na: “Gaya ng ating laging sinasabi, dito sa lungsod ng Maynila, mahalaga ang lahat. Ang Pasko ay para sa lahat kaya ako’y natutuwa nang ianunsiyo ng ating Pangulong Bongbong Marcos na kasama na rin ang ating mga job order at contractual services sa makakatanggap ng gratuity pay ngayong taon. Masaya po ako para sa inyo.”
Nagpasalamat din si Lacuna kay Pang. Marcos sa anunsyo nito at sinabing:”Ang Pasko ay para sa lahat walang pinipili lahat kasama dahil lahat mahalaga ‘yan ang Sama-Sayang Pasko dito sa lungsod ng Maynila.”
Inaprubahan ng Pang. Marcos, Jr. ang pagtaas ng gratuity pay para sa contractual at JO workers sa pamahalaan, kaya P7000 na ito ngayon. Ang pagtaas ng gratuity pay ay epektibo ng hindi mas maaga sa December15, 2024.
Base sa Administrative Order 28 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, sinabi ng Pang. Marcos na ang mga JOs COS employees na nakapagtrabaho ng kabuuan o nakaipon ng at least four months of actual satisfactory service performance hanggang December 15,2024 ay entitled sa gratuity pay na mula P5,000 hanggang P7,000.
“Granting a yearend gratuity pay to COS and JO workers is a well-deserved recognition of their hard work and valuable participation in the implementation of various PAPs of the government, and their pivotal role in the delivery of government services amidst the present socio-economic challenges,”pahayag ng Pang. Marcos Jr. (ANDI GARCIA)