Advertisers

Advertisers

Maski senior citizen ayaw na kay Pasig Mayor Vico Sotto!

0 52

Advertisers

Pagnagkataon latak na lang ang makukuhang boto nitong si Pasig City Mayor Vico Sotto matapos na libong bilang ng mga Senior Citizens ang nadismaya mga Ka Usapang HAUZ sa naganap na pamamahagi ng cash insensitives na nagkakahalaga ng 3k nitong nakalipas na linggo.

Para sa kaalaman ng magiting na Mayor ng Pasig City isang video message ang ipinadala sa Usapang HAUZ ng isang Senior Citizen at kitang kita ang libong bilang ng mga matatanda ang nakapila para sa validation ng kanilang 3k na ayuda sa mismong besinidad ng City Hall.

Walang maayos na pamamalakad at dis organized ang mga tauhan ni Mayor Sotto na tila hindi alam ang gagawin para pagsilbihan ng maayos ang mga Seniors na ang iba ay inabot na ng gutom subalit hindi umaalis sa pila.



Saktong Disyembre 14,2024 dakong 8:00 ng umaga ng magdatingan ang mga matatanda sa Pasig City Hall subalit hindi alam kung ano ang gagawin dahil wala ni isa mang tauhan ang nagpapaliwanag kung ano ang gagawin para sa pagkuha ng 3k na ayuda.

Kitang kita sa video message na pinadala sa Usapang HAUZ ang kaawa-awang kalagayan ng mga Senior Citizens may nakasalampak na sa sahig nasa hagdanan at ang iba ay halatang stress na sa paghihintay kung saan may mangilan-ngilan na halos himatayin na siguro dahil na rin sa inis at gutom.

May mga nagtiyaga na pumila para makuha ang 3k na ayuda dahil na rin sa pangangailan meron naman na nagsiuwian na kabilang ang nagpadala ng video.

Panawagan nga mga Ka Usapang HAUZ ng mga nabuwisit sa mga senior citizens sa hindi malamang pamamalakad sa pamamahagi ng kanilang ayuda ng mga taga City Hall na “Huwag ng Iboto pa si Mayor Vico Sotto sa dadating na eleksiyon May 2025.

Muntik ko ng makalimutan mga Ka Usapang HAUZ, may nagsasabi na huwag daw paniwalaan ang aking nilalathala dahil pawang mga fake news at bayaran daw ang inyong lingkod ng kalaban ni Mayor Vico Sotto na si Sarah Discaya.



Hindi po at kailan man ay walang nagaganap na bayad sa aking Column, yung nakikitang tama at mali ay dapat mailathala, Attn: sa mga supporters ni Mayor Vico isa ako sa tumulong para maagaw ang trono sa mga Eusebio kahit itanong pa o ninyo kay dating Manggahan Kapitan Bobby Bobis, Konsehal Hapin at iba pang kaanib ni Mayor na taga Manggahan.

***

Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o tumawag or mag text sa 09352916036