Advertisers
KINUMPIRMA ng Malacañang na si United States (US) Ambassador Jose Manuel Romualdez ang kakatawan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa inagurasyon ni President-elect Donald Trump.
Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Sec. Cesar Chavez, ang imbitasyon ay mula sa Joint Committee on Inaugural Ceremonies kung saan inanyayahan nito ang mga Chiefs of Diplomatic Missions at kanilang mga kabiyak upang kumatawan sa mga lider ng kani-kanilang estado at pamahalaan.
Samantala, wala pang kumpirmasyon kung bibisita si PBBM sa Estados Unidos upang makipagpulong kay Trump sa unang bahagi ng 2025.
Matatandaan na sa mga naunang pahayag ng Palasyo, binigyang-diin ito ang kahalagahan ng diplomasya sa pagsusulong ng interes ng Pilipinas sa pandaigdigang komunidad. (Gilbert Perdez)