Advertisers

Advertisers

Cayetanos, Legarda, Marcoleta, Estrada, Dela Rosa ‘di dapat bumoto sa impeachment?

0 11

Advertisers

ANG mga Senator-Judge na sina Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano, Loren Legarda, Rodante Marcoleta, Jinggoy Estrada at Ronald “Bato” Dela Rosa ay hindi dapat payagan bumoto sa impeachment laban kay Vice President Sara Duterte-carpio.

Bakit?

Aba’y paano sila bubuto eh hindi naman nila personal na natanong o na-cross examine ang mga testigo sa impeachment trial. Basta lang ba sila bubuto nang ayon sa pagiging kaalyado ng Duterte? Asan ang hustisya rito?

Sina Alan at Legarda ay hindi naman nakakulong pero hindi dumadalo sa hearings para ma-cross ang mga testigo at matanong ang prosecution.

Si Alan ay nasa tabi-tabi lang, panay nga ang live sa FB. Pero ‘di dimadalo sa trial.

Si Legarda lumipad sa ibang bansa, halos isang buwan ang leave. Nagpapagamot kuno. Tinaon ang pagpagamot sa kasagsagan ng trial. Nahaharap kasi siya sa Plunder sa Ombudsman kaugnay ng “solar scam” kasama ang anak na si Congressman Leandro Leviste. May hinala na hindi na ito bumalik sa bansa.

Sina Marcoleta at Estrada ay nahaharap din sa Plunder. Kasalukuyan silang nakakulong sa New Quezon City Jail.

Ang kaso ni Marcoleta ay kaugnay ng P75 million campaign contribution na hindi niya dineklara sa kanyang SOCE at SALN noong nakaraang national election.

Ang Plunder case naman ni Estrada ay kaugnay ng daang milyones na kickback sa flood control projects scandal.

Habang si Bato ay nagtatago dahil sa mayroong itong arrest warrant mula sa International Criminal Court dahil sa pagiging co-perpetrators ni dating pangulo Rody Duterte sa kasong crimes against humanity kaugnay ng “pekeng” war on drugs noong termino nila sa Malakanyang kungsaan libu-libong “kriminal” kuno ang tinumba.

Ang utol ni Alan na si Pia ay nandiyan lang din sa tabi-tabi pero madalang dumalo sa trial, ‘pag type niya lang asarin si Senatir-Judge Risa Hontiveros. Hehehe…

Walang batas na nagbabawal sa kanila para hindi bumuto kahit hindi sila mag-participate sa trial. Pero por dios por santo, por delizadeza!!! basta ka lang ba buboto nang hindi manlang natanong o na-cross ang mga testigo at prosecutors?

Siguradong ang maging buto nila ay pawalang-sala si Sara para makatakbong presidente sa 2028, na ‘pag nanalo ay mabura ang mga kinakaharap nilang kaso. Anong klase kang Senador ng Republika ng Pilipinas kung ang interes mo ay pansarli lang? Asan ang hustisya rito?

Si Alan ay nahaharap sa mga kasong Plunder at Fraud na isinampa ni Senador Ping Lacson kaugnay ng mga milyun-milyon hanggang bilyong halaga ng mga proyekto kuno sa Taguig City.

Bukod rito ay nahaharap din si Alan sa isa pang kasong Plunder kaugnay ng kontrobersiya sa pondo ng Sourth East Asian Games noong 2019. Hinihimay na ito ng Dept. of Justice. ‘Pag umabot ito sa Ombudsman, yari siya! Abangan!