Advertisers

Advertisers

Bookkeeper tinodas ng 3 bagets sa loob ng hotel

0 5

Advertisers

NASAWI ang isang lala-king freelance bookkeeper nang pukpukin ng bote at takpan ng unan sa mukha sa loob ng isang hotel room sa Quezon City.
Ayon kay Major Errol Frejas, hepe ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), ‘asphyxia by strangulation’ ang ikinamatay ng 57-anyos na biktima batay sa resulta ng pagsusuri ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operation (SOCO).
“Pero nakikita namin, parang pinukpok muna siya ng bote bago tinabunan ng unan sa mukha… ‘Yun din po ‘yung rebelasyon ng mga CICL po natin na nakuha,” pahayag ni Frejas.
Huling nakitang buhay ang biktima Agosto 23, batay sa CCTV recordings ng hotel.
Sa kuha Linggo ng umaga, nakitang naka-pink na t-shirt ang biktima kasama ang dalawang menor de edad. Sa sumunod na kuha sa elevator noong hapon, naka-maroon na t-shirt na ito kasama parin ang dalawa. Nang gabi ring iyon, sumakay ng elevator ang isang menor de edad para sunduin ang ikatlo nilang kasabwat bago sila sabay-sabay na lumabas ng hotel.
Nadiskubre ang bangkay sa loob ng banyo nang puntahan ng empleyado ng hotel ang silid, Agosto 26, para sana maglinis.
“Kinatok niya ‘yung room ng victim natin kaso walang response… Noong binalikan niya, kinatok niya sa panga-lawang beses, wala pa rin response. Doon na siya hu-mingi ng tulong sa ating front desk para mabuksan itong room ng victim. Kaso pagbukas nila, nakita niya na gulo-gulo na ‘yung mga gamit at mayroong mga dugo na nagkalat. So ni-report kaagad nila ito,” kwento ni Frejas.
Gabi ng Agosto 29, natunton at naaresto sa Laguna ang dalawang Children in Conflict with the Law (CICL) na may edad 16 at 17 anyos, habang sa Batangas nahuli ang isa pang 16-anyos na suspek, matapos matunton ang na-book nilang driver ng transport network vehicle service (TNVS).
“Meron din tayong nakuhang consent sa pamilya na buksan ‘yung cellphone… Doon po natin nakita, kasi naka-synchronize po ito doon sa ibang cellphone. Nakita ‘yung mga pictures na tinitake ng mga CICL natin. At doon po natin natukoy ‘yung TNVS na hinire nila. So noong na-locate po natin ‘yung TNVS, nakipagtulungan po sa atin ‘yung driver,” ani Frejas.
Pagnanakaw ang nakikitang motibo sa krimen matapos tangayin ng mga suspek ang mga gamit at pera ng biktima.
“Kinuha ‘yung [mga] cellphone at ‘yung mga credit card at debit card, passbook. At nakita din natin na may mga withdrawals itong mga menor de edad na nag-a-amount sa 150 [thousand]… Plus na gamit din nila sa pagbili ng mga gamit ‘yung credit card na umaabot din halos ng P40,000,” dagdag ng opisyal.
Lumalabas sa imbestiga-syon na nagkakilala ang biktima at mga suspek sa isang social media app at nagkasundong magtagpo para mag-inuman nang lumuwas sa Maynila galing Mindanao ang biktima para sa kanyang trabaho.
Mula Agosto 18 pa naka-book ang biktima sa naturang hotel.
Na-turnover na ang tatlong CICL sa Social Services Development Department (SSDD) ng Quezon City government at nahaharap sa reklamong robbery with homicide.