Advertisers

Advertisers

LINGKOD-PILIPINO SAPUL NI ‘TOL TOLENTINO!

0 7

Advertisers

PAGPAPABILIS ng serbisyo ng internet at pagpapababa ng buwanang bayarin sa tubig at kuryente pati na sa aspeto ng kabuhayan at ang pagpapalakas ng larangan ng sports at kultura at sining ang isusulong ni reelectionist Francis “Tol” Tolentino sa panibagong mandato na ipagkkaloob sa kanya ng Sambayanang Pilipino.

Ang isa sa itinuturing na tunay na statesman kung pagiging mambabatas ang pag-uusapan, marapat lang na manatili para sa bagong mandato sa ‘Tol para maipagpatuloy niya at maisabatas na ang mga isinulong na batas at isusulong pang bills para sa pangkalahatang Pilipino na nagnanais ng progresibong pamayanan.

Siya ang tipo ng politiko na kahit saan nakapanig na paksiyon ay napakaepektibong manungkulan higit kanino pa man dahil sa angking talino at propesyunal na aspeto.



Si Sen.’Tol (Pangulo ng Kickboxing sa Pilipinas)na utol ng isa pang prominenteng pigura bilang lingkod- bayang si Cong.Bambol Tolentino( POC) ay itutuloy ang mga nabinbing panukala at ipaprayoridad ang proyektong pangkalanatan sa mundo ng information technologies upang di mapagiwanan ang bayan sa teknolohiya ng ibang bansa na kailan lang nagsimula.

Tayo ang pipili,.. sa sikat lang pero walang alam o sa isang tunay na stateman? ‘Tol is the man..ABANGAN!!

***

RAZADO-VERGARA TANDEM
MULA BULA, CAMSUR,
DANGAL NG BAYAN AWARDEE
PINARANGALAN ng prestihiyosong award-giving body na Gawad Pilipino ang dalawang prominenteng personahe mula Bicol Region sa idinaos na Gabi ng Gawad seremonya ng “Gawad Pilipino Dangal ng Bayan Awards” kamakailan sa Aberdeen Court Great Eastern Hotel sa Quezon City.

Sina humanitarian champion, pilantropo at public servant G. Homer Razado at Dr. August Vergara ay kinilala ang kanilang makabuluhang kontribusyon sa bayan at mamamayan di lamang sa kanilang balwarteng Bula, Camarines Sur kundi pati na sa mga lugar sa bansa na nalasap ang kanilang makataong adbokasiya na pang -socio- sibikong programa na kanilang isasakatuparan may eleksyon man o karaniwang araw para sa mga less fortunate na kababayan



Ang team Razado-Vergara na aspirante sa pagka- mayor at bise mayor ng bayan ng Bula na top brass din ng Binondo Brilliant Elite Eagles Club (BBEEC) ay nagpasalamat ng lubos at taos sa naturang rekognisyon ng Gawad Pilipino sa kanilang adbokasiya na pinagniningning ng kanilang humanitarian mission ng kanilang eagles club na nasa payong ng regional hanggang sa national leadership ng ‘The Fraternal Order of Eagles – Philippine Eagles, Inc.’ sa pamumuno ni National President Ronald Delos Santos.

“Salamat sa ‘Gawad Pilipino’ sa kanilang pagkilala sa aming adbokasiya. Lalo pa naming pag-iibayuhin ang aming serbisyo sa bayan lalo na sa aming kababayan sa Bula, Camarines Sur na optimistiko akong igagawad sa inyong lingkod ang mandato pagka-alkalde at ang ating katuwang na si future vice Vergara para sa progreso at asenso ng ating bayan upang akayin tungo sa pagiging Isa sa top municipality ng bansa sa aspeto ng kabuhayan ng ating mahal na ka- Bulaenos, “wika BBEC president Razado sa panayam.