Advertisers

Advertisers

Konsi Bong Marzan may panawagan sa lahat ng deboto ng Itim na Nazareno

0 13

Advertisers

NANAWAGAN si Asenso Manileño candidate for Councilor para sa District IV Director Bong Marzan sa lahat deboto ng Itim na Nazareno lalo na sa Distrito ng Sampaloc na mahigpit na sundin ang itinakdang alituntunin ng Simbahan at kapulisan upang maiwasan ang anumang balakid at matiyak ang kaligtasan ng mga partisipante sa taunang ‘Traslacion’ na inaasahang dadaluhan ng milyong katao gaya ng dati.

Sa kanyang panawagan, hinimok ni Marzan ang lahat ng mga magpupunta sa Simbahan ng Quiapo at sasama sa ‘Traslacion’ na huwag ng magsama ng mga bata at mga may kapansanan upang maiiwas ito sa posibleng kapahamakan tulad ng Hindi maiiwasang tulakan ng mga deboto kapag nagsimula na ang ‘Traslacion’ o habang iniikot ito sa itinakdang mga ruta. Ang ‘Traslacion ang siyang pinakatampok sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Itim na Nazareno tuwing January 9th.

Nakiusap din si Marzan sa mga dadalo na taunang ‘Traslacion ‘ na huwag ng magsuot ng mga alahas at huwag i-display ang mga cellphones upang hindi makaakit ng mga atensyon mandurukot.



Samantala ay sinegundahan naman ng Konsi Bong na kasalukuyang direktor ng Liga ng mga Barangay ang panawagan ni Lacuna sa mga deboto na tiyakin na sila ay hindi nakainom kapag sila ay sumama sa prusisyon dahil posibleng makalikha sila ng panganib sa kanilang sarili at sa kanilang kapwa.

Sinabi pa ni Marzan na Chairman ng Brgy 497 na maglalagay sila ng libreng water station para sa mga debotong sasama sa ‘Traslacion’.



Ayon pa kay Marzan ay may mga direktiba na alkalde ang lahat ng kinauukulang units ng lokal na pamahalaan na gawin ang bahagi ng kanilang trabaho. Maging ang tanggapan ni City Engineer Moises Alcantara ay nakapagsagawa na ng pagsisiyasat sa mga lugar na iikutan ng ‘Traslacion’ upang tiyakin na walang nakalaylay na kawad ng kuryente at bukas na manhole dahil karaniwan ng nakatapak ang mga debotong sumasama sa taunang selebrasyon ng Pista ng Itim na Nazareno.

Nabatid din na may mga medical teams na nakaantabay para tumugon sa mga ‘di inaasahang medical emergencies. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">