Advertisers

Advertisers

Mayor Honey, umapela ng pang-unawa sa Manileño tungkol sa problema sa basura

0 37

Advertisers

UMAPELA si Mayor Honey Lacuna sa lahat ng Manileño ng pang-unawa kaugnay ng problema sa paghahakot ng basura sa lungsod at nangakong maibabalik na sa normal ang koleksyon ng basura sa lalong madaling panahon city’s garbage problem. Ito ay kasabay rin ng transisyon ng paghahakot ng basura sa bagong contractors.

Nabatid na nagkaroon ng 400 percent pagtaas sa volume ng basura sa Maynila bunga ng nakaraang Kapaskuhan at Bagong Taon at higit pa itong pinalala ng dating contractor ng basura nang abandonahin nito ang obligasyong maghakot ng basura para sa maayos na transisyon ng paghalili ng bagong contractor.

Ang Leonel ay kinuhang contractor ng basura noong panahon ng dating administrasyon ni Isko Moreno.



Sa kanyang mensahe nitong Lunes ng umaga sa flag raising ceremony, humingi ng pang-unawa at pakikipagtulungan si Lacuna sa lahat sa gitna ng pagpapalit ng contractor ng basura sa lungsod dahil na rin sa kabiguan ng dating contractor na gampanan ang kanilang tungkulin.

“Kukunin ko na din ang pagkakataong ito para humingi ng paumanhin sa hawat isang Manilenyo sa nangyaring problema natin sa basura. ‘Wag po kayong mag-alala.Sisikapin po natin na matugunan ang problemang ito sa pinakamabilis na panahon at sisiguraduhin po natin na magbabalik sa normal ang atin pong paghahakot ng basura.



“Ang akin lang pong hiling ay ang inyong ibayong pang-unawa at pakikisama nang sa gaton, sa lalong mas mabilis na panahon, ay matapos natin ang problemang ito.’Wag ho kayong mag-alala. Hindi po nayin pababayaan ang bawat isang pamilyang Manilenyo. Kung tayo po ay sama-sama, gaya po ng aking laging sinasabi, wala pong imposible,” dagdag pa nito.

Hinimok din ni Lacuna ang lahat ng Manileño na tumayo bilang iisa sa pagharap sa hamon ng Bagong Taon.



Sinabi pa ng lady mayor na sa kabila ng pagkakaiba-iba ng bawat isa, ang pagtahak sa iisang layunin o pangarap ng bawat ay makakatiyak ng pag-asenso ng lungsod .

“Hinihingi ko rin po ang kooperasyon ng bawat isa sa atin nang sa gayon ay mapanatiki ang pagtitiwala sa atin ng ating mga kapwa Manilenyo,” sabi ni Lacuna. (ANDI GARCIA)