Advertisers

Advertisers

Higit 6.5M deboto inaasahan sa Traslacion ng Itim na Nazareno

0 18

Advertisers

MAHIGIT sa 6.5 milyong mga deboto ng Poong Hesus Nazareno ang inaasahan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na makikibahagi sa Traslacion ngayong Huwebes, Enero 9.

Ayon kay NCRPO director, Brig. Gen. Anthony Aberin, magtatalaga siya ng sapat na bilang ng mga pulis para pangalagaan ang kaligtasan ng mga deboto, gayundin ang kaayusan sa prusisyon.

Noong nakaraang taon, nasa 6.5 milyong deboto ang sumama sa Traslacion kaya’t inaasahan ng NCRPO na mahihigitan ang bilang ngayong taon.



Higit sa 14,000 na pulis ang itatalaga para magbantay sa lahat ng mga aktibidad na may kaugnayan sa pagdiriwang ng pista ng Poong Hesus Nazareno.