Advertisers
ARESTADO ang isang menor de edad na lalaki nang mahulihan ng tinatayang P1-milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Taguig City, Miyerkules ng gabi.
Hinuli rin ng National Bureau of Investigation – Rizal District Office ang kasama ng binatilyong si “Angelo” ang kapitbahay nitong si “Cesar” .
Nakipagkita ang dalawa sa nagpanggap na buyer sa F. Manalo Street, Bgy. Calzada, Tipas. Dito ay nasabat ang 2 plastic na lalagyan ng shabu na tinatayang nasa 200 gramo.
Ayon kay head agent Migdonio Congzon Jr., pinuno ng NBI Rizal DO, middle man ng drug group ang hinuli nila dahil sa dami ng nakumpiskang droga.
Pero depensa ni Cesar, galing sa kapatid ni Angelo ang dala-dalang shabu.
Napag-utusan lang umano ang binatilyo ng kapatid at pinasama lang si Cesar sa kanya.
Nagsasagawa na ng follow-up operation ang NBI Rizal District Office sa pinagmulan ng shabu.