Advertisers

Advertisers

2 tiklo sa P6.8m shabu

0 249

Advertisers

DINAKIP ang dalawang drug pushers ng mga elemento Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nang makuhanan ng 1 kilo shabu sa buy bust operation sa Taguig City.
Kinilala ang mga nadakip na sina Johamat Gumbay alyas Jojo, 24, ng New Lower Bicutan, Taguig City; at Datu Amer Landasan, 18, ng Road 12 Maguindanao St., Purok 2A, New Lower Bicutan.
Ayon sa ulat, 4:00 ng madaling araw nang magsagawa ng buy bust operation ang mga elemento ng PDEA Region 3, PDEA NCR sa ML Quezon St., Brgy. New Lower Bicutan.
Nakumpiska sa mga suspek ang 1 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 million.
Sangkot ang mga suspek sa pagbebenta ng shabu sa Metro Manila at ilang bahagi ng lalawigan ng Bulacan
Nasa kustodiya ng PDEA Region3 ang dalawang suspek. (Mark Obleada)