Advertisers

Advertisers

Babae tumanggay ng P200m sa 300 tauhan ng airline company, ipinang-casino!

0 299

Advertisers

SA kulungan ang bagsak ng isang babae nang alukin nitong mag-invest ang halos 300 empleyado ng isang airline company pero ipinang-casino lang nito ang natangay na pera na hindi bababa sa P200 milyon.
Kinilala ang babae na si Lolita Cantuba, 55 anyos, na nasakote ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Special Action Unit.
Ayon sa mga biktima, inalok sila ni Cantuba na mag-invest sa isang build and sell realty business na may malaking kita sa kada proyektong maibebenta.
Life savings na ng mga biktima ang karamihan sa mga perang natangay ng suspek.
“Ang mga ito ay mga piloto, cabin crew, stewardess, stewards, ground stewards, mga empleyado ng malaking airline company. ‘Yung members naman na makakahikayat din ng additional investor ay merong 50 percent na komisyon,” sabi ni Atty. Jun Donggalo, hepe ng NBI-Special Action Unit.
Nadiskubre rin na may kaso itong paglabag sa bouncing checks law.
Kakasuhan si Cantuba ng syndicated estafa.