Advertisers
Arestado sa isinagawang follow up operation ang apat na lalaki na nagsagawa nang robbery hold-up sa isang convenient store sa Brgy, San Agustin Hagonoy Bulacan.
Sa report na ipinadala ni Lt.Col.Aldrin Thompson, kay PNP Region 3 Director PBGEN Jean S Fajardo, kinilala ang mga nadakip na suspek na sina alyas Jomel; alyas Erich, 28, Brgy, Longos Malolos; alyas Joshua, 30; at alyas Samuel Viletario, 37- anyos kapwa residente ng Brgy. Longos Calumpit, Bulacan..
Base sa paunang imbestigasyon ng mga pulis, halos isang linggo na pinag-planuhan ng mga suspek bago ang panghohold-up, sa convenience store nitong Martes 5:10 ng umaga, Enero 21 2025.
Kung saan natangay ng mga suspek ang apat na araw na kita ng convenience store na nagkakahalaga ng P137,000.00.
Ganap na 6:00 ng gabi ng masukol ang mga suspek sa kani-kanilang bahay sa Calumpit at Malolos at na recover sa kanila ang halagang P59,000.00.
Samantala detenido ngayon ang mga suspek sa Hagonoy Municipal Jail habang inihahanda ang kasong Robbery Hold-up.(Thony D. Arcenal)