Advertisers

Advertisers

Viral: P110K Parol ‘di kinuha ng umorder, pinakyaw ni Isko

0 267

Advertisers

Pinakyaw ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang ginawang Parol ni Maximino Simon ng Barangay 320 Sta. Cruz, Maynila nang hindi ito umano kunin ng kanyang buyer na nag-order sa kanya.
Sa isang fb post, umiiyak si Simon dahil halagang P100,000 parol ang hindi na umani kukunin ng nag-order nito.
Ayon pa sa viral post, sinabi nitong mababaon na naman ito sa utang dahil sa malaking halaga na kanyang ipinuhunan sa nasabing mga Parol.
Laking pasalamat naman ni Simon nang bilhin lahat ni Domagoso ang sariling gawang Parol .
Isinabit naman sa kalapit na barangay ang mga Parol sa Sta. Cruz, Maynila.
Ayon kay Domagoso, nais nitong maging Merry ang Pasko ng pamilya ni Mang Simon kaya naman mismong ang pamahalaang lungsod na ang pumakyaw sa mga Parol upang sa gayun ay maibasan din ang kanyang paghihirap sa kabila ng pagsisikap na makapaghanapbuhay para sa pamilya.(Jocelyn Domenden)