Advertisers

Advertisers

Holdapan sa loob ng jeep: 1 patay, 5 sugatan

0 30

Advertisers

NASAWI ang 29-anyos na babaeng pasahero at lima ang sugatan nang tumalon mula sa isang pampasaherong jeep na hinoldap sa Commonwealth Avenue, Quezon City noong Martes.



Ayon sa jeepney driver na si Edgardo Cabiente, may isang lalaki ang sumakay sa Don Fabian at nagdeklara ng holdap.

Nang magpumiglas ang babaeng pasahero para hindi ibigay ang kanyang bag, tinakot siya ng holdaper kaya’t napilitan siyang sumunod.

Sa takot, ilan sa mga pasahero, pati narin ang kinakasama ng jeepney driver, tumalon mula sa sasakyan. Isa sa kanila ang babaeng biktima na isinugod sa ospital, nguni’t idineklarang dead on arrival.

Tumakas ang salarin pero nabundol ng isang jeep kaya naabutan at binugbog ng taumbayan.

Naabutan ito ng QC Task Force Disiplina, at pinigilan ang pananakit ng mga sibilyan at dinala ang salarin sa Camp Karingal CIDU.

Nabawi sa salarin ang bag ng nasawing biktima at ang patalim na ginamit sa holdap.
Sa kabilang banda, sinabi ng pulisya na nasawi ang biktima bunsod ng pagkakabagok sa pagtalon sa jeep.

Ang 54-anyos na holdaper, na dati nang nakulong sa kasong pagnanakaw, umamin sa krimen at sinabing nawalan siya ng trabaho kaya’t muling gumawa ng ilegal na gawain.(Almar anguilan)