Advertisers

Advertisers

Delivery rider sinita sa walang plaka na trike, huli sa marijuana

0 15

Advertisers

Kulong ang isang delivery rider nang sitahin ng mga pulis sa pagmamaneho ng walang plaka na tricycle at nahulihan pa ng marijuana sa Quezon City.

Kinilala ng Quezon City Police District Station 1 Laloma ang nadakip na suspek na si Paulo Sibug, 20, binata, delivery rider, residente ng no. 15 Magnas Street, Brgy.NS Amoranto QC.

Sinabi ni Pat. Bryan Soriano ng Laloma police nadakip ang suspek sa kahabaan ng Del Monte Avenue, corner Matutum St., Brgy.Manresa, QC dakong 6:45 ng umaga.



Nabatid sa ulat na nagsasagawa ng anti criminality patrol ang mga pulis ng QCPD station 1 Laloma sa pangunguna ni Pat. Ricky Jarabelo at Pat. Jed Allen Dela Mines nang sitahin ang suspek dahil sa pagmamaneho ng isang tricycle na walang plaka.

Agad hiningian ng rehistro ng kanyang dalang tricycle ang suspek subalit habang kinukuha ang rehistro at drivers license lumitaw ang dala nitog marijuana na isang bungkos.

Kaugnay nito dinakip agad ang suspek ng mga pulis na hindi na nakapalag matapos mahulihan ng marijuana.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.(Boy Celario)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">