Advertisers

Advertisers

5 NPA PATAY, 4 SUGATAN SA 1 ORAS NA SAGUPAAN

0 216

Advertisers

LIMANG miyembro ng New Peoples Army (NPA) ang nasawi at apat ang nasugatan sa panibagong sagupaan sa probinsya ng Sultan Kudarat at Agusan del Norte.
Kinilala ang mga napatay sa Sultan Kudarat na sina Cesar Anding, Ruben Alaza at alyas Edmund, mga kasapi ng Guerilla Front 73 ng Far South Mindanao Region.
Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander, Major General Juvymax Uy, nagpapatrolya ang mga tauhan ng 5th Special Forces Battalion at 37th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Barangay Datu Wasay Kalamansig, Sultan Kudarat nang makaengkwentro ang nasa 20 NPA.
Tumagal ng mahigit isang oras ang palitan ng putok sa mag-kabilang panig. Umatras ang mga rebelde nang pasabugan sila ng mga sundalo ng 81 mm mortar.
Bago ito, mahigit 10 NPA ang nasawi sa air to ground assault ng militar sa Mount Lumuton, Palimbang, Sultan Kudarat.
Sa ngayon ay patuloy na tinutugis ng 603rd Brigade sa pamumuno ni Colonel Eduardo Gubat ang mga rebelde sa ba-yan ng Kalamansig.
Samantala, napatay din ang dalawang rebelde sa isang oras na bakbakan laban sa tropa ng 29th Infantry Battalion sa isang liblib na lugar sa Sitio Tinago, Barangay Baleguian, Jabonga, Agusan del Norte, 7:00 ng uma-ga nitong Linggo, Disyembre 27.
Sinabi ni Lt. Col. Aristotle Antonio, 29IB Battalion Commander, nakatanggap sila ng impormasyon na may mahigit 15 NPA nagtitipon sa lugar kasabay ng ika-52 anibersaryo ng Communist Party of the Philippines (CPP) nitong Disyembre 26.
Kinabukasan ng umaga, naabutan ng mga sundalo ang mga rebelde na pinamumunuan ni Marvin Bugas alyas Ka Eman ng Sandatahang Yunit Pangproganda 16A, Guerilla Front Committee 16, at su-miklab ang matinding isang oras na bakbakan, nagresulta sa pagkapatay ng dalawang rebelde na isang lalaki at isang babae.
Dinala ng mga sundalo sa munisipyo ang bangkay ng da-lawang rebelde na iniwan ng kanilang mga kasamahan na na-nigurong makatakas sa tropa ng pamahalaan para ito maki-lala at makuha ng kanilang mga kamag-anak.