Advertisers

Advertisers

10 outstanding Manila SK officials per district pinarangalan

0 17

Advertisers

“HANGGAT tayong lahat ay nagbibigay ng tapat at totoong paglilingkod, hindi tayo maliligaw ng landas sa pagseserbisyo-publiko.”

Ito ang binigyang diin ni Manila Mayor Honey Lacuna matapos bigyang papuri ang mga youth leaders sa Maynila sa pagpaparangal sa 10 outstanding Sangguniang Kabataan (SK) officials kada distrito na ginanap sa flagraising ceremony sa City Hall nitong Lunes.

Sa kanyang mensahe, binati ni Lacuna ang mga awardees sa iba’t-ibang kategorya at sinabi nito na ang lokal na pamahalaan ng Maynila ay palagiang itinuturing na ang mga kabataan ay kinabukasan ng lungsod at ng bansa sa kabuuan.



“Saludo ako sa inyo na sa murang edad ay marami kayong naiaambag para sa ikabubuti ng ating lungsod. Galingan nyo pa dahil kayo ang inaasahan ng inyong mga kapwa ninyong kabataan,” sabi ni Lacuna.

Binigyang pagkilala din at pinasalamatan ng alkalde ang mga kawani ng Youth Development Bureau ng lungsod sa kanilang ginagawang paggabay sa mga kabataan sa maraming paraan.



“Congratulations po sa inyo sa paggabay sa ating mga kabataan na piliin ang tamang landas nang sa gayun po nilang mapagbuti ang kanilang mga gawain sa araw-araw,” dagdag pa ni Lacuna.

Hinikayat din ng lady mayor ang lahat ng kawani ng pamahalaang panglungsod na maging masaya at mahalin ang kanilang trabaho at gabayan sila ng katotohanan at katapatan sa pagganap nila sa kanilang tungkulin.



“Kapag tayo po ay nagbibigay ng tapat at totong paglilingkod, tama po ang landas na tinatahak natin kaya pag-igihan pa po natin ang trabaho. Kung mahal natin ang ating ginagawa, di ito trabaho kaya i-enjoy lang po natin nang sa gayon ay maramdaman din ng mga binibigyan natin ng serbisyo,” ayon pa sa alkalde. (ANDI GARCIA)