Advertisers

Advertisers

Yaman ng korap na parak kukumpiskahin – PNP

0 10

Advertisers

Kukumpiskahin ng Philippine National Police (PNP) ang mga yaman ng mga pulis na sangkot sa iba pang ilegal na aktibidad.

Ito naman ang sinabi ni PNP chief Rommel Francisco Marbil na kasunod ng pagkakadawit ng 10 pulis ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa pangongotong ng P18 milyon mula sa isang negosyanteng negosyante sa Tondo, Maynla.

Ayon kay Marbil, hindi sapat na makulong lamang ang tiwaling pulis na napatunayang yumaman sa mga ilegal na aktibidad.



Binigyan diin ni Marbil sa kanilang ipinatutupad ang zero-tolerance policy kalokohan at iligal ng mga pulis kaya hindi lamang sibak sa serbisyo ang ipapataw sa mga pulis kundi pagsamsam sa mga ari-arian ng mga ito na nakuha dahil sa korupsiyon.

Maging ang mga bank account at financial holdings ng mga pulis ay kanilang iniimbestigahan sa tulong ng Anti-Money Laundering Council.

“Pati mga asset niyo ipapaubos namin, lahat ng fruits of the crime,” ani Marbil.