Advertisers

Advertisers

ELIJAH AT MILES NAGHAHANAP NA NG BAHAY

0 4

Advertisers

Ni Beth Gelena

NANGAKO si Elijah Canlas kay Miles Ocampo na gagawin ang lahat para sa kaarawan ng Eat Bulaga host.

Nagkahiwalay sina Miles at Elijah dahil umano sa intrigang nakapalibot sa kanila.



Pero napatch-up naman nila ang problema kaya hindi na nila ito pinalaki pa. Nagkapaliwanagan at muling nagkabalikan.

Ang komento ng netizens: “I remember during Senior High series nag-aaway away silang mga cast dahil kay Andrea at Daniela na na-link kay Elijah kaya nagbreak sila ni Myles. Nagkabalikan sila Myles at Elijah pero di na bumalik closeness ng cast towards Elijah”

“for real love nya for Miles thin or big”

“Love them both! Sana magtagal sila or pang-forever na.”

“I find sincerity in his art.”



“Nung birthday ni Bimby, while tinatanong sila ni Ogie Diaz kung kailan sila ikakasal, may nagsalita sa background na naghahanap na raw ng bahay yang dalawa.”

“Sabi ni miles first time of everything nya si Elijah

Mahirap nga naman”

***

EX EX LOVERS NINA JOLENS AT MARVIN NASA NETFLIX NA

MAPAPANUOD na rin sa Netflix ang comeback movie nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal, ang Ex Ex Lovers na kamakailan lang ipinalabas sa mga sinehan.

The streaming giant announced the news last May 2, through a video featuring the duo signing beloved memorabilia.

“Ilabas ang artista notebooks at butterfly clips! ?? I got some of my keepsakes signed by Marvin Agustin and Jolina Magdangal, because Ex Ex Lovers is coming to Netflix on May 20,” post ng Netflix Philippines sa social media.

Sa nasabing clip, makikita si Jolina na pumipirma sa Jolina doll na inilabas noong 2001. “Uy, I miss this. May baterya pa!”

Si Marvin naman ay pumipirma sa kanyang self photo when hes still a teen star, saying: “My 19-year-old self.”

Komento ng isang fan ng magkalabtim.

“FINALLY, WE CAN’T WAIT TO WATCH THIS ALL DAY EVERYDAY!!! THANK YOU NETFLIX!”

Sa panayam ng King of Talk sa kanila, “We’ve always wanted to work on a film project kasi nagti-TV naman kami every now and then pero ‘yung film medyo matagal naming hindi ginawa,” ani Marvin.

“This genre na ‘yung ’90s vibes na rom-com, ‘yung makulit lang talaga at masaya. Plus at the same time having Tonette (Jadaone) and Dan (Villegas) and Project8Project behind the project, iba ‘yung substance na nilagay nila doon sa backdrop ng kulitan at saya lang. May hugot at may lalim silang mare-realize—’yung mga couples kung ano ‘yung mga pinagdadaanan ngayon—so nandun ‘yung ganda din ng pelikula bukod sa of course nakakakilig siya,” dagdag pa ng aktor.

“Nung time na sobang kilig na kilig talaga ‘yung mga tao sa amin nung bata kami, parang dream din namin na ibigay sa kanila ‘yung kasiyahan ulit, i-recreate and ganito na ‘yung estado ng buhay namin, ganito na kalalim ‘yung friendship namin, na gusto namin para rin sa kanila kaya dream project namin ni Marvin with them,” pakli naman ni Jolens.

***

XYRIEL BINULGAR ANG MASALIMUOT NA BUHAY NG PAMILYA, AMA PINATAWAD

NAGBAHAGI si Xyriel Manabat ng masalimuot na karanasan sa kanyang pamilya sa loob ng Pinoy Big Brother house.

Inilahad niya kung paanong unti-unti siyang natutong patawarin ang kanyang mga magulang.

Binasa ni Xyriel ang sulat mula sa kanyang ama na nagpaiyak sa kanya sa harap ng mga housemates.

Inamin niyang mas pinili niyang hanapin ang kapayapaan kaysa manatiling nagtatampo sa kanyang pamilya.

Ayon sa aktres, matagal siyang nagtanim ng hinanakit, lalo na sa kanyang ama, ngunit noong nakaraang taon lamang niya natutunang patawarin ang mga ito. “Last year lang din kami naging healthy ng family ko,” pagbabahagi ni Xyriel.

Pag-amin pa niya, nahirapan daw siyang magdesisyon na bigyan ng chance ang kanyang ama upang muling gampanan ang pagiging tatay.

“Inopen up ko sa kaniya na gustong-gusto ko siyang bigyan ng chance para maging tatay. Last year, I found peace. Hindi ko alam pero nagising na lang ako na gusto kong patawarin ‘yong parents ko.”
“Ang dami kong rason para magtanim ng sama ng loob,” ani Xyriel.
“Pero narealize ko lang na first time rin nila maging magulang.”
Matapos ang pagbubunyag, binasa ni Xyriel ang liham mula sa kanyang ama.
“Mahal na mahal ka namin… Sorry sa lahat ng pagkukulang ko,” bahagi ng sulat na nagpaluha kay Xyriel.
Komento tuloy ng netizens, akala raw nila ay napakatapang ng aktres.
Kilala kasi siya na napakaprangka at matapang na tao.