Advertisers
Punong-puno ng emosyon at pagkakaisa ang mga kalsada sa Distrito Uno, habang nagsilabasan ang mga Manileño mula sa kanilang mga tahanan upang mainit na salubungin at suportahan ang huling motorcade ni Congressman Manny Lopez sa Distrito Uno ng Tondo nitong Sabado, Mayo 10, 2025
Mula Moriones hanggang Delpan, at sa kahabaan ng Dagupan, Instruccion, at Capulong, sabay-sabay na sumigaw ang mga tao ng “Mabuhay si Cong. Manny!” habang kumakaway at bumabati sa pagbabalik nito sa Kongreso.
Bitbit ng mga residente ang mga placard na may mensahe ng pasasalamat at mga streamers na nagsasabing “Salamat, Cong. Manny!” Habang dumaraan ang motorcade, may ilang lumuluha, may ilan namang sabay-sabay na sumasabay sa konboy bilang huling paggalang sa kanilang kongresista.
Ayon sa mga dumalo, hindi lamang kampanya ang naturang motorcade, kundg ‘di isang selebrasyon ng pagkakaisa at pagkilala sa mga konkretong pagbabagong hatid ng liderato ni Cong. Lopez sa lungsod ng Maynila.
Sa loob ng mga taong paglilingkod ni Congressman Lopez, naging sentro ng kanyang adbokasiya ang serbisyong may malasakit, edukasyong abot-kaya, at matatag na suporta sa mga kabataan at senior citizens. Hindi na nakapagtataka kung bakit buo ang tiwala ng kanyang mga kababayan.
Sa bawat kanto ng Tondo na dinaanan ng motorcade, iisa ang sigaw ng mga tao: “Panalo Na!”—hudyat na ang tagumpay ni Cong. Manny Lopez ay tagumpay rin ng bawat Manileño na naniniwala sa makatarungan, makatao, at makabayang pamumuno.