Advertisers

Advertisers

MASISIPA SI INDAY SIBA

0 31

Advertisers

Tapos na ang “mid-term elections” at ilang araw malalaman ang mga bago o magpapatuloy na opisyal na magseserbisyo sa bayan higit sa dalawang kapulungan ng Kongreso. Mahalaga ang bubuo ng kongreso higit sa mataas na kapulungan na tatayo bilang mga hukom sa binimbin na pagpapasipa sa abalang pangulo ng bansa. Sa pansamantalang resulta ng halalan silip ang pagpasok ng ilang makiling na kinatawan sa lapian ng dating pangulo. Subalit batid ni Mang Juan ang laro ng politika sa bansa, pansariling kapakanan ang una bago ang iba o sa bayam. At walang bangitan para sa susunod na halalan.

Sa susunod na mga araw, magtatapos ng huling pagkikita ang mga kasalukuyang senador na mag-aakda ng panuntunan sa tatakbuhin ng pagpapasipa sa abalang pangulo. At marahil ang maging huling araw ng pagiging pangulo ni Keso ng bugok na kapulungan. Mahalaga ang panuntunan na tatahakin ngunit mainam na mapalitan ang titimon sa pagpapasipa nang mawala ang pagdududa ng pagkiling sa kanino mang panig. Naniniwala na magkakaroon ng palitan sa liderato ng senado at ‘di papayag ang mga bago at mga dating senador na iisa ang lapian na pangungunahan ng ‘di kasama sa partido. Makasaysayan ang gagawing pagpapasipa sa abalang pangulo at ang unang kaganapan na nasalang ang abalang pangulo sa pagpapasipa. At dahil unang kaganapan, ang mapasakamay ang liderato ng senado sa naghaharing lapia’y mahalaga ng matiyak ang landasin sa hinaharap.

Maselan ang papel na hahawakan ng titimon sa pagpapasipa kay Inday Siba. Una, ang matiyak na mapapasakamay ng may kagalingan o kaalaman ang pagtitimon sa pagpapasipa. Pangalaw, ang pagtitiyak na mapapasakamay ng naghaharing lapian ang liderato ng senado’y pagsisiguro sa layon sa kinabukasan sa politika. Malinaw ang papel ng magpapadaloy sa takbo ng pagdinig na magsasabi kung tama ang landas higit sa pagtatanong na gagawin ng mga senador na tatayong hukom. Sa usapin ng pagpapadaloy ng pagpapasipa, ‘di lang ang kasapian ng bugok na kapulungan ang maririnig na magsasalita dahil nariyan ang magkabilang panig sa pagdinig na magbabangit ng mga tindig ayon sa panuntunan na inilahad o binuo para sa usapin sa harap. Ang matiyak na ‘di maligaw sa landas ng usapin ang iiwasan ng ‘di maglalantad ang kawalang alam ng ilang senador na tatayong hukom.



Sa pagtanaw sa katatapos na halalan at sa mga aakyat bilang mga huhusga, malinaw ang pagkakahati ng bilang ng ibig at ‘di ibig na masipa sa pwestong tangan ang abalang pangulo. Sa bilang walang makapagsabi na nakakaungos ang hindi masisipa ngunit sa kabilang banda, umaasa na magkakaroon ng nagkakaisang tindig higit ang kagalingan ng bayan ang pananaigin. Sa totoo lang, walang may nakakalamang sa bawat tindig ngunit kung paano itatawid ng mga tatayong prosecutor mula sa mababang kapulungan ang mga kaukulang dahilan ng pagpapasipa ang magpapalit sa tindig ng mga husgadong naghahanap ng katotohanan sa sakdal, at ang inaasahan. Habang sa kabilang banda, ang malamyang paghaharap ng kaso ang daan upang ‘di masipa si Inday Siba.

Silipin natin ang mga tatayong hukom sa impeachment na maaring maganap sa unang lingo ng Hulyo. Sa totoo lang, walang makapagsabi kung paano titindig ang mga tatayong hukom sa pagdinig. Ang bilang na nakikita’y tila 14 na hukom ang tatayo na magpapatibay sa pagpapasipa at 10 ang tatayo na hindi masipa ang abalang pangulo. Sa pagkakataon manaig ang bangit na bilang, malamang na mapapawalang saysay ang iniharap na impeachment kay Inday Siba. Sa totoo lang, pansamantala ang bangit na bilang ng pabor o hindi ngunit inaasahan ang pagpapalit ng tindig ang mga huhukom depende sa bigay at interest na bitbit.

Sa pagtatasa, ibig lamanan ang bangit sa itaas na malaki ang pagkakataon na masisipa si Inday Siba sa pwestong tangan sa rason na pansarili sa halip na tindig panlapian. Maselan ang tindig ng marami sa kasalukuyang mga hahatol sa pagpapasipa. Sa pananaw, mataas ang tsansa na magbabago ng tindig ang ilang senador na nakikitang kontra sa pagpapasipa. Ang ilang huhukom na maaring magbago ng tindig, ang magkapatid na bago at dadatnang kinatawang bayan na nagmula sa Las Pinas na malamang na magpapalit ng tindig sa oras ng nagkapitpitan ng ba___g sa dahilan ng usapin ng negosyo ng pinakamayamang pamilya sa bansa. At nariyan ang lumalagaslas na usapin ng patubig na negosyo ng pamilya’, na dahilan na maaaring daan sa pagpapalit ng tindig. At ‘mahungkat ang usapin ng bumagsak na tulay sa dating kagawaran pinamumunuan ng senador sa timugan ng Maynila.

Si Sexy, na binasura ang apila sa isang hukuman na maaring ipadampot sa oras na lumiko ng laban. Mapanuwag ang bugok higit sa mga maliit na humaharang sa kanyang interes. Sa usaping hinaharap na bangit sa ibabaw, karaniwan ang magpalit ng tindig ng ‘di mahungkat ang sariling multo ng kasalanan. Pangatlo, inaasahan ang pag-ayon sa pagpapasipa sa abalang pangulo ng nangungunang kandidato sa kasalukuyang halalan sa pagka senador. Hindi maitago ng Tsekwang senador ang galit kay Inday Siba na magtitiyak na una ang sariling pagnanais sa halip na iilalim ang interes sa taong nakakulong. Walang duda na ‘di para kay Inday Siba ang bata ng ama.

Sa totoo lang, apat o lima ang maaring tumindig laban sa pagpapasipa kay Inday Siba at malamang na ang isa dito’y dadamputin ng ICC sa salang “crime against humanity” at ‘di makakaboto sa dulo ng pagdinig. Ang matikas na pahayag hingil sa halalan na boses kuno ng bayan ang nakuhang bilang ng boto’y tunay na pagpapalakas loob kontra sa magaganap sa susunod na araw. Walang pagdududa na ang pagtatago ang gagawin ng ‘di maging kakosa ang amo nasa IwaHague.



Bilang panghuli, hindi nagdadalawang isip na masisibak sa pwesto ang abalang pangulo at ang hatol na masakit ay magmumula sa mga kinakapitang kasangga. Walang pagdududa na ang laban sa impeachment ang usapin na ‘di matatakasan ni Inday Siba sa dahilan na ‘di maitago na ang panlulustay sa salapi ng bayan ang kagalingan gawa. Ang maling paggamit sa salapi ng bayan ang salang ‘di dapat ipagkibit balikat higit sa taong pinagkatiwalaan ng bayan na iniluklok sa pwesto. Ang karanasan ng pagbabalewala sa pinaghirapan ni Mang Jua’y ‘di dapat palagpasin ng mga tatayong hukom sa impeachment ng abalang pangulo. Ang batas na kailangan sundin ng bawat tao sa bansa ang pairalin at walang usapin ng kung sino at ng pwestong tangan. Sa bilang ng mga huhusga at sa bigat ng sala ng sisipain, walang pag-aatubili, masisipa si Inday Siba.

Maraming Salamat po!!!!