Advertisers

Advertisers

Mayor Along, nagpasalamat sa mga sumuporta sa kanya nitong 2025 polls

0 2

Advertisers

Nagpasalamat si Caloocan Mayor Along Malapitan sa lahat ng sumuporta, tumulong, nagdasal, at naniwala sa kanya upang ipagpatuloy nito sa kanyang ikalawang termino ang mga nasimulan nito para sa lungsod ng Caloocan.

“Aking taos pusong pasasalamat sa lahat ng mga sumuporta, tumulong, nagdasal, at naniwala. Isa pong karangalan na makapaglingkod muli bilang Mayor ng mga Batang Kankaloo,” wika ni Mayor Along.

Binati rin ni Malapitan ang mga nagwaging politiko nitong 2025 midterm elections.



“Nais ko ring batiin ang lahat ng mga ipinoklamang nagwagi ngayong 2025 midterm elections. Paalala lang po, huwag nating sayangin ang tiwala at suporta na ipinagkaloob sa atin ng taumbayan. Suklian natin ito ng tapat at dekalidad na serbisyo, Pahayag ni Malapitan.

“Tulad din ng sinabi ko noong aking kampanya, ngayong tapos na ang eleksyon, wala na po tayong titingnan na kulay o pagkakaugnay. Basta taga-Caloocan ka, asahan mong aalagaan ka ng pamahalaang lungsod,” pagwawakas ni Mayor Along Malapitan. (BR)