Advertisers
NABIGO sina Alex Eala ng Pilipinas at Coco Gauff ng United States laban sa Italian Open defending champions Sara Errani at Jasmine Paolini ng Italy sa quarterfinals ng tournament, 7-5, 3-6, 10-7, Miyerkules ng gabi sa Grand Stand Arena sa Foro Italico sa Rome, Italy.
Lamang sina Eala at Gauff sa first set,5-3, bago nabigo sa Italian pair. Gayunpaman, gumanti ang dalawa at nakuha ang second set matapos ang dikitan na opening sa nasabing frame.
Sa wakas, ang pares nina Errani at Paolini ang lumutang na panalo at umabante sa semifinals.
Bago ito, inumpisahan nina Eala at Gauff ang kanilang doubles run na panalo kontra Alexandra Panova at Fanny Stollar, 6-3, 6-1, bago dinomina sina dominated Tyra Caterina Grant at Lisa Pigato, 6-2, 6-3, sa Round of 16.
Samantala,maglalaro pa rin si Gauff sa women’s singles semifinals.
Maagang natanggal si Eala sa Italian Open matapos mabigo kay Marta Kostyuk sa first round.